Home HOME BANNER STORY Katiting na bawas-presyo sa produktong petrolyo ipatutupad sa Martes

Katiting na bawas-presyo sa produktong petrolyo ipatutupad sa Martes

MANILA, Philippines- Magpapatupad ng katiting na bawas-presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas presyo na P0.50 sa kada litro ng gasoline, P0.25 sa kada litro ng diesel at P0.30 sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May bawas-presyo din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na ipapatupad alas-12:01 bukas ng madaling araw.

Ang itutupad na oil price rollback sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaang nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng dagdag presyo na P0.50 sa kada litro ng gasolina habang bawas presyo na P0.40 sa kada litro ng diesel at P0.35 sa kada litro ng kerosene. JAY Reyes

Previous articleCarpio: Sigalot sa WPS ‘intergenerational’
Next articlePBBM bibisita sa Central Europe