Home NATIONWIDE Inabandonang balikbayan boxes pinatatalupan ni Lapid

Inabandonang balikbayan boxes pinatatalupan ni Lapid

MANILA, Philippines- Naghain ng resolusyon si Senator Manuel “Lito” Lapid na nagtutulak ng Senate inquiry sa libo-libong Balikbayan boxes ng overseas Filipino workers (OFWs) na hindi nakararating sa claimants nito at inaabandona lamang sa iba’t ibang warehouses.

Sa paghahain ng Senate Resolution No. 950, sinabi ni Lapid na kailangang matukoy at panagutin ang mga kompanyang responsable sa pag-abandona sa kanilang tungkuling ihatid ang balikbayan boxes sa mga pamilya sa Pilipinas.

Nilalayon din ng resolusyong tukuyin ang mga solusyon at posibleng parusa upang maiwaasan ang kasiraan ng OFW community. 

“The reported abandonment of balikbayan boxes not only undermines the sacrifices of our OFWs but also poses a threat to the well-being of their families, who eagerly anticipate the arrival of these boxes as a connection to their loved ones abroad,” pahayag ni Lapid sa explanatory note ng resolusyon.

Nauna nang tinukoy ng Bureau of Customs (BOC) ang umano’y “unscrupulous” foreign at local forwarding companies na nangangasiwa sa non-delivery ng Balikbayan boxes. 

Base sa BOC, mayroong derogatory records ang mga kompanya.

Kabilang sa tinukoy na foreign forwarding firms o consolidators ang Kabayan Island Express Cargo, Allwin Cargo, Manila Cargo, Mediacom Express Cargo, Pinoy Network Cargo, GM Multi Services Cargo, Sel Air Cargo, Sky Freight at CMS General Services.

Ang tinukoy namang local forwarders o deconsolidators, ay ang Luzon Cargo, FBV Forwarders and Logistics, Cargoflex Haulers, Rensworld Freight Logistics, CMG International Movers, ETMAR International Logistics, KC Door to Door Delivery Services and FGTI Forwarding Services, Cebu Cargo, Pinas Cargo, Goldwings Cargo, Cotabato Cargo, Phil Pacific Cargo, Manila Express,  Al Delta Cargo at iba pa.

Noong nakaraang taon, naghain ang BOC ng kabuuang 11 kaso laban sa 10 kompanya sa pagpalya nilang ihatid ang mga package. Sa nasabing warehouses, daan-daang balikbayan boxes ang nakatambak sa loob ng pitong buwan hanggang dalawang taon.

Batay sa ulat, ilan sa undelivered balikbayan boxes ang ibinebenta online. 

“The Senate (should) endeavor to determine the causes and extent of the reported abandonment of balikbayan boxes, identify the companies involved, and recommend measures to address and prevent such incidents in the future,” ani Lapid. RNT/SA

Previous articleRisa kay Quiboloy: ‘Hinuthutang’ OFWs harapin
Next articleCarpio: Sigalot sa WPS ‘intergenerational’