Home NATIONWIDE Case disposition rates sa mababang korte patuloy na tumataas

Case disposition rates sa mababang korte patuloy na tumataas

MANILA, Philippines – Patuloy na tumataas ang case disposition rates sa first at second-level courts mula 2021 hanggang 2023.

Isa ito sa mga nagawa na ipinagdiwang sa
19th National Convention and Election of Officers of the Philippine Association of Court Employees (PACE) na dinaluhan ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo.

Base sa datos ng Office of the Court Administrator (OCA), sa first-level courts mula sa case disposition rate na 53% noong 2021, umakyat ito sa 60% taon 2022 at 61% nitong 2023.

Sa mga second-level court, ang case disposition rate nitong nakaraang taon ay 42%, mula sa 39% noong 2022 at 32% noong 2021.

Ang case disposition rate ay nakalkula sa pamamagitan ng paghati ng kabuuang bilang ng mga kasong nadesisyunan, naresolba at naka-archive sa kabuuang bilang naman ng mga kasong naka-pending at mga bagong pagsampa saka i-multiply sa 100.

Sa talumpati ni Gesmundo sa mga court employees sa PACE Convention, pinasalamatan nito ang kontribusyon ng mga kawani.

“You are the first point of contact between our institution and the people who come to us in search of justice…Whatever your rank or position may be, the work that you do, day in and day out, is the best reflection of the kind of justice that we dispense, and of the quality of service that we provide.”

Pinuri naman ni Court Administrator Raul Villanueva ang mga opisyal at miyembro ng PACE sa kanilang papel upang mapabilis ang paglabas ng resolusyon sa mga kaso sa mababang korte. Teresa Tavares