Home NATIONWIDE PBBM natawa lang sa alegasyon sa kanya sa illegal na droga

PBBM natawa lang sa alegasyon sa kanya sa illegal na droga

MANILA, Philippines – PINAGTAWANAN lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang alegasyon na sangkot siya sa ilegal na droga.

Tinanong kasi ang Pangulo ukol sa ‘motu proprio’ na imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa sinasabing sumingaw na confidential documents kung saan iniuugnay siya sa illegal na droga.

Tumawa lamang ang Pangulo.

Sa ulat, sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Moro Virgilio Lazo sa pagdinig na isinagawa ng Senado na “non-existent” ang sinasabing pre-operation report at authority to operate na parehong kumalat sa social media.

“There are no such documents, your honor… Siguradong-sigurado po kami. Walang dokumento na ganyan,” ayon kay Lazo.

Nito lamang Abril 2, nagpalabas ng kalatas ang PDEA na nagsasabing, walang nakitang dalawang dokumento sa kanilang Plans and Operations Reports Management Information System o PORMIS. Kris Jose