Home NATIONWIDE 1.5M batang Pinoy, nakinabang sa feeding program ng DSWD

1.5M batang Pinoy, nakinabang sa feeding program ng DSWD

MANILA, Philippines – AABOT sa 1.5 million na bata nationwide ang nakinabang sa Supplementary Feeding Program (SFP) na in-implement ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa taong 2023- 2024.

Ayon kay Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Irene Dumlao, as of March 30, napagsilbihan na ng ahensya ang may 1,526,261 mga bata na pawang naka-enroll sa Child Development Centers (CDCs) at 33,198 children naman sa ilalim ng Supervised Neighborhood Play (SNP) at 1,169 sa implementing local government units (LGUs).

“As mandated by the Marcos administration, through the recently signed Memorandum Circular No. 47 which calls for the intensified support for the government’s anti-hunger efforts, the DSWD will continue its collaboration with national agencies, LGUs, and development partners to strengthen our feeding program,” ani Asst. Secretary Dumlao.

Sinabi pa ni Asst. Secretary Dumlao ang SFP ay isa sa anti-hunger initiatives ng DSWD at isa din sa maituturing na kontribusyon ng ahensya sa Early Childhood Care and Development (ECCD) program ng pamahalaan base sa Republic Act No. 11037 o ng Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.

“We are continuously monitoring and fast-tracking the implementation of the program before the school year ends in partnership with the LGUs,” sabi pa ng tagapagsalita ng DSWD.

Ang SFP ay naglalayong mag supply ng pagkain sa mga batang nasa edad 3-5 taong gulang na kasalukuyang naka-enroll sa CDCs at mga batang nasa edad 2-4 taong gulang na nasa SNP. Ang mga pagkaing ibinibigay ay pawang mga locally-produced food na mayroong 1/3 ng Recommended Energy and Nutrient Intake (RENI).

Layon din ng nasabing programa ang madagdagan ang kaalaman, attitude at practice ng mga kabataan, parents at caregivers sa pamamagitan ng intensified nutrition at health education; at upang masustenahan ang nutritional status ng bata.

Bilang chair ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger (IATF-ZH), ang DSWD ay magpapatuloy na i-prioritize ang mga program na makakatiyak ng food security upang palakasin ang effort ng gobyerno na mapagtagumpayan ang zero hunger sa bansa. Santi Celario