MANILA, Philippines – Inalerto ng Office of the Vice President (OVP) nitong Huwebes ang publiko laban sa pekeng mensahe na kumakalat online na gumagamit sa pangalan ni Vice President Sara Duterte para mangako ng tulong na pera kapalit ng personal na impormasyon.
Ayon sa OVP, ang kumakalat na mensahe ay nag-aalok ng hanggang P20,000 na cash assistance habang hinihiling sa mga biktima na ibigay ang kanilang personal na impormasyon.
“Be vigilant and never give out your personal information without caution!” saad ng OVP.
“Fake messages are circulating that use the name of the Office of the Vice President and Vice President Sara Duterte to solicit personal details in exchange for an alleged P20,000 cash assistance. This is fake news!” paliwanag nila.
Pinaalalahanan ng OVP ang publiko na huwag sagutin o i-click ang mga link mula sa mga katulad na mensahe at magtiwala lamang sa mga mapagkakatiwalaang source at verified na platform.
Nanawagan din ito sa mga biktima na nakatanggap ng mensahe na iulat ang insidente sa mga awtoridad. RNT/MND