Home NATIONWIDE DPWH, i-itsapuwera sa pagtatayo ng klasrum -Edcom

DPWH, i-itsapuwera sa pagtatayo ng klasrum -Edcom

256
0

MANILA, Philippines – Dapat na simulan ng national government na ikonsidera na makipag-partner sa local government units (LGUs) at pribadong sektor sa pagtatayo ng mga silid-aralan sa halip na sumandal sa Department of Public Works and Highways kung saan ang halaga ng konstruksyon ay “almost double.”

Inatasan ang government body na pangasiwaan ang education system sa bansa.

Binigyang diin ng Senator-commissioners ng Second Congressional Commission on Education (Edcom 2) ang mas mabagal na pagkompeto o pagtatapos na ‘publicly funded’ kumpara sa private partnerships.

Sa kabilang dako, pinangunahan ni Sen. Bam Aquino, Edcom 2 co-chair at chair ng Senate basic education committee, ang unang pagdinig sa 20th Congress para i-check ang kasalukuyang progreso na ginagawa ng gobyerno para tugunan ang nagpapatuloy na kakapusan sa silid-aalan at pagsisikip ng public schools sa buong bansa.

Tinukoy ang natuklasan ng Edcom 2 sa dalawang report nito ngayong taon. kung saan sinabi ni Aquino na ang halaga ng classroom construction ay iba-iba at hindi ‘standardized.’

Ang price tag ng bawat silid-aralan ay P2.5 million para sa Department of Education (DepEd), na mas mura kaysa sa halaga na inilagay ng DPWH na P3.5 million.

Gayunman, tinukoy ni Aquino ang kaso sa Dumaguete City kung saan ang average cost ng silid-aralan ay P2.1 million kapag ‘locally funded’ habang ang mga silid-aralan na itinayo sa pamamagitan ng public-private partnerships ay nagkakahalaga ng P1.5 million lamang bawat isa.

Sa pagre-report kay Aquino, ipinaliwanag ng mga opisyal ng DPWH na ang halaga ng classroom construction ay P29,838 hanggang P36,067 kada square meter.

Isinatinig naman ni Sen. Loren Legarda, commissioner ng Edcom 2, ang kanyang alalahanin ukol sa “almost double cost” ng classroom constructions sa ilalim ng DPWH.

“What kind of gold is the DPWH using that the construction cost was almost doubled? Who is building for the DPWH with [more than] P36,000 per square meter and who is building for the private sector that was only at P20,000 per square meter?” ayon kay Legarda sabay sabing “I cannot imagine, for the life of me, [that the price] was almost doubled.”

Sa nasabi pa ring pagdinig, isinagawa araw ng Martes, binanggit ni Aquino ang panahon na kailangan para tapusin ang silid-aralan kung saan ang LGU-private sector partnerships ay mayroon lamang “less than a year” habang ang national government agencies ay nangangailanan ng mga taon para makompleto ang publicly funded projects. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here