Home METRO Cashless transactions sa LRT, MRT gugulong sa Hulyo

Cashless transactions sa LRT, MRT gugulong sa Hulyo

256
0

MANILA, Philippines- Maaari nang gamitin ng mga pasahero ang debit cards, credit cards, at e-wallets upang magbayad ng pamasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) simula sa Hulyo, na inaasahang mag-aalis sa mahabang pila sa mga istasyon ng tren, ayon sa  Department of Transportation (DOTr).

Sa halip na bumili at mag-load ng Beep cards o stored-value smart cards na ginagamit sa LRT at MRT, maaaring i-tap na lamang ng mga pasahero ang kanilang cellphone o card sa turnstile pagpasok sa railway platform.

Ani DOTr Secretary Vince Dizon, sisimulang mag-deploy ng cashless turnstiles para sa automatic fare collection (AFC) system sa susunod na buwan.

“Mga bandang July ito, if I’m not mistaken. I-implement na natin sa MRT at sa ibang mga tren natin. Alam ko pati credit card puwede na. Ita-tap mo na lang ‘yung phone mo. Hindi ka na kailangan bumili ng Beep,” sabi ni Dizon.

“Nagtaka nga ako bakit hindi ito kaagad na-implement, ‘yun naman pala kaya i-implement kaagad-agad itong cashless options sa MRT,” dagdag niya.

Nauna nang inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang DOTr na bumuo ng open-loop payment system na naka-integrate sa multiple financial platforms, ayon kay Dizon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here