Home NATIONWIDE Castro sa mensahe ni VP Sara sa pagsasabi ng katotohanan: ‘Ironic, hollow’

Castro sa mensahe ni VP Sara sa pagsasabi ng katotohanan: ‘Ironic, hollow’

MANILA, Philippines – Tinawag ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list Rep. France Castro na “ironic and hollow” ang pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa pagsasabi ng katotohanan.

Ang tinutukoy ni Castro ay ang opening remarks ni Duterte sa National Press Conference (NSPC) sa Carcar City, Cebu nitong Lunes, Hulyo 8.

Ayon sa Bise Presidente sa mga estudyante, “Never print, post, or circulate something that you know is not the truth.”

“It’s ironic that VP Sara Duterte is now lecturing students about not printing or circulating false information when she herself has been engaged in red-tagging and spreading fake news,” ani Castro.

“How can VP Duterte tell students to ‘never print, post or circulate something that you know is not the truth’ when she has been at the forefront of spreading disinformation through red-tagging? This double standard is alarming and sets a dangerous precedent for our youth,” dagdag pa niya.

Ipinunto rin ng House Minority Leader na ito ay “hypocrisy” dahil noong 2019 ay sinabi ni Duterte na “everybody lies” matapos akusahan ng senatorial bets ng oposisyon ang mga kandidato ng Duterte administration sa pagsasabi ng kasinungalingan.

“[The] words ring hollow coming from someone who has actively participated in damaging the reputation of progressive organizations and individuals through baseless accusations and red-tagging,” dagdag pa ni Castro.

Matatandaan na nauna nang ipinanawagan ng teachers’ group ang Commission on Human Rights na kontrahin ang pahayag ni Duterte na sila ay may kaugnayan sa mga komunistang rebelde.

Ipinunto ni Castro na ang mga public servant ay dapat na manguna sa halimbawa sa pagiging matapat at magsabi ng katotohanan. RNT/JGC