Home HOME BANNER STORY UPDATE: 1 patay, 6 nawawala sa sasakyang tinangay ng malakas na agos...

UPDATE: 1 patay, 6 nawawala sa sasakyang tinangay ng malakas na agos ng ilog sa Cebu

MANILA, Philippines – Isa na ang naitalang nasawi habang nawawala ang anim iba pa matapos na anurin ng malakas na agos ng ilog ang isang pick-up truck sa Barangay Cantumog, Carmen, Cebu nitong Lunes, Hulyo 8.

Sa 17 pasahero, 10 ang nakaligtas, anim pa ang nawawala at isa ang nasawi matapos marekober ang katawan ng 11-anyos na bata.

Ang pag-apaw ng ilog ay dahil sa malakas na ulan sa lugar na sinabayan pa ng kulog at kidlat.

Napag-alaman na galling sa resort ang 17 pasahero na pauwi na sana ng bahay at sinubukang tumawid sa ilog.

Agad na dinala sa town proper ang mga nakaligtas habang nagpapatuloy naman ang paghahanap sa anim na nawawala. RNT/JGC