Home NATIONWIDE Castro: Wala pang papalit sa ICI resignees; batas sa independent commission, pending...

Castro: Wala pang papalit sa ICI resignees; batas sa independent commission, pending pa

303
0

MANILA, Philippines – Wala pang usapan kung sino ang papalit sa mga nagbitiw sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro nitong Linggo.

“Sa ngayon, walang napag-uusapan kung magkakaroon ng replacement kasi may tinitignan tayong batas na maaaring ipasa patungkol sa pagkakaroon ng independent commission,” sabi ni Castro sa Super Radyo dzBB.

Noong Biyernes, inanunsyo ni Commissioner Rossana Fajardo ang kanyang pagbibitiw sa ICI, epektibo sa Disyembre 31, 2025, at sinabi niyang natapos na niya ang layunin ng kanyang tungkulin.

“I believe that the investigative and prosecutorial responsibilities will now transition to other agencies, such as the Department of Justice and the Office of the Ombudsman, which are better positioned to ensure accountability for contractors and government officials,” dagdag pa ni Fajardo.

Noong nakaraang buwan, nagbitiw din si dating DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson mula sa ICI dahil sa kalusugan at seguridad.

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kongreso na unahin ang pagpasa sa proposed Independent People’s Commission (IPC) Act, na layong magtatag ng permanenteng, independent, at non-partisan commission para imbestigahan ang anomalya at korapsyon sa mga infrastructure projects sa pambansa, lokal, at government-owned corporations.

“Ang gusto ng Pangulo, maging maayos ang batas at maipasa. Ang ayaw ng Pangulo ay magkaroon ng sapawan ng jurisdiction ang Ombudsman, DOJ at ‘yung gagawing independent commission,” ani Castro.

Ayon pa kay Castro, posibleng magdoble ang trabaho ng IPC sa Office of the Ombudsman at DOJ, dahil parehong iimbestigahan ang iba pang infrastructure projects. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here