Home METRO Catanduanes niyanig ng M-6.1 quake

Catanduanes niyanig ng M-6.1 quake

MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa northeast ng Bagamanoc, Catanduanes nitong Miyerkules ng umaga, base sa PHIVOLCS.

Ang tectonic quake ay naganap ng alas-5:19 ng umaga na may lalim na 38 kilometro.

Naramdaman ng mga residente ng Irosin, Sorsogon ang ang Intensity I.

Walang inaasahang pinsala, base sa PHIVOLCS, subalit nakaamba ang aftershocks. RNT/SA