Home NATIONWIDE Julian nananatili sa labas ng PAR, Signal No. 1 nakataas sa 4...

Julian nananatili sa labas ng PAR, Signal No. 1 nakataas sa 4 lugar

MANILA, Philippines- Nananatili si Julian, bumaba na sa typhoon, sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) subalit nakataas pa rin sa apat na lugar sa Luzon ang Signal No. 1 nitong Miyerkules, base sa pinakabagong Tropical Cyclone Bulletin ng PAGASA.

Umiiral sa mga sumusunod na lugar ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1:

  • Batanes;

  • Babuyan Islands;

  • northern at western portions ng Ilocos Norte (Pasuquin, Sarrat, Paoay, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Bacarra, Currimao, Adams, Pinili, San Nicolas, Dumalneg, Laoag City, Badoc, City of Batac); at

  • northwestern portion ng mainland Cagayan (Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Claveria).

Sa pagtataya ng PAGASA, inaasahan ang minimal to minor impacts mula sa malakas na hangin sa mga lugar sa ilalim ng Signal No. 1. RNT/SA