Home NATIONWIDE Catch-up plan inilatag sa pagpapabilis ng konstruksyon ng PNR Malolos-Clark railway

Catch-up plan inilatag sa pagpapabilis ng konstruksyon ng PNR Malolos-Clark railway

MANILA, Philippines – Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon nitong Sabado, Abril 12 na inatasan na nito ang kanyang departamento na pabilisin ang konstruksyon ng Malolos to Clark segment ng North-South Commuter Railway (NSCR) project.

Nais niDizon na magamit na ng publiko ang
Malolos-Clark Railway project sa 2028.

Idinagdag ng Department of Transportation (DOTr) sa kalatas nito na mayroon nang catch-up plan si Dizon upang masiguro na ang mga delay sa konstruksyon ng railway project ay matutugunan.

Sa oras na matapos, inaasahang mapabibilis ng Malolos-Clark Railway Project ang biyahe mula Metro Manila patungong Clark International Airport ng kulang-kulang isang oras, kumpara sa kasalukuyang dalawa hanggang tatlong oras na biyahe.

Nakatanggap ang proyekto ng $2.75-billion loan financing mula sa Asian Development Bank (ADB), at $2 billion mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA). RNT/JGC