MANILA, Philippines – Nakipagpulong si National Security Adviser Eduardo Año sa kanyang US counterpart na si Mike Waltz para pag-usapan ang ugnayan sa pagitan ng Manila at Washington.
Sa pahayag nitong Sabado, Abril 12, sinabi ng NSC na sina Año at Waltz “exchanged views on the regional security situation, particularly in the South China Sea/West Philippine Sea, and future bilateral activities to further accelerate the progress in the alliance.”
Sinabi rin ng NSC na napag-usapan ang bilateral activities ng dalawang bansa sa hinaharap.
“NSA Año and NSA Waltz agreed to continue their discussion to include close coordination at the working level,” dagdag pa.
Pinasalamatan naman ni Año si Waltz sa pagsisiguro ng US sa matibay na ugnayan nito sa Pilipinas. RNT/JGC