Manila, Philippines- Nagpaabot ng suporta si Claudine Barretto sa mahusay na singer na si Jojo Mendrez sa hindi magandang pinagdadaanan nito ngayon.
Nakarating kasi sa aktres ang pag-file ng mahusay na singer ng grave threats sa Quezon City Prosecutor’s Office against Mark Herras.
Sa pamamagitan ng isang video, nagpadala ng mensahe si Claudine sa tinaguriang Revival King.
Ayon kay Claudine, sinubukan niyang tawagan si Jojo pero hindi niya ito makontak. Nasa Lanao kasi siya at mahina ang singla doon.
Sabi ni Claudine, “I’ve been trying to call you and reach out to you. Narinig ko ‘yung balita sa Lanao at walang signal d’un.
“I’ve been trying to reach out to you dahil nalaman ko kung anong nangyayari. I just read about it, kapatid.
“Gusto ko lang malaman mo na nakausap ko ang mga kaibigan natin, and alam ko na ang mga nangyari. And that, huwag kang matakot. Nandito lang ako. Ang daming nagmamahal sa ‘yo.
“Hindi ko sasabihin sa ‘yo I told you so, dahil alam kong mabuti ang puso mo. Pero next time, mag-ingat ka sa mga tao na pwede mag-abuse sa ‘yo at gusto ko lang malaman mo na kung nasasaktan ka ngayon, nasasaktan din ako.
“As long as nasa tama ka, kung sino ang kalaban mo, dapat [mapanagutan]. Nandito ang support ko sa’yo, 100 percent.
“Huwag kang pumayag na magpaapi ka, ginagamit ka, or inaabuso ka. Mahal kita kaya andito ako bilang kaibigan, bilang kapatid. Gaya ng sinabi ko, huwag kang matakot. Nandito kami. Walang pwedeng manakit sa’yo. Tandaan mo ’yan. Mahal na mahal kita,” ang makabagbag damdamin pang mensahe ni Claudine sa kanyang kaibigan.
Samantala,out na sa streaming platforms ang latest single ni Jojo na Nandito Lang Ako, mula sa komposisyon ni Jonathan Manalo.
In fairness, ang sarap pakinggan ng naturang awitin dahil sa ganda ng lyrics at melody nito, at ang ganda ng pagkakakanta ni Jojo.