MANILA, Philippines – Sinopla ni Leyte 4th District Representative Richard Gomez ang alegasyon ni Rolan “Kerwin” Espinosa matapos ang pamamaril sa huli habang nangangampanya sa Barangay Tinag-an, Albuera.
Ayon kay Gomez, tinitingnan niya ang mga impormasyon na may kinalaman sa insidente.
“Do not believe somebody like him who has no credibility and a self-confessed drug lord. He will not do anything good for mankind,” ani Gomez.
“Honestly, para sa akin scripted yung ambush me. Ang pangit ng acting, ang pangit ng pagkagawa.”
Ayon sa pulisya, kinordonan nila ang isang private resort na sinabi ni Espinosa na lugar kung saan tumakas ang mga pulis matapos ang pamamaril.
Ngunit batay sa sarilingn pag-iimbestiga, sinabi ni Gomez na walang nangyaring car chase o ‘hot pursuit’ sa lugar ng insidente.
Sa halip umano ay si Albuera Police Chief Major Angelo Sibunga ang nagtungo sa isang private beach property kung saan kumakain ang mga tauhan ng Ormoc City Police.
Ani Gomez, pumasok si Major Sibunga sa isang private area nang walang kaukulang search o arrest warrant.
“The chief of police of Albuera entered the private beach house with around armed 40 pags (PAGS) of Kerwin without a warrant. He trespassed the property. Major Sibunga entered the property without any warrant of arrests,” sinabi ni Gomez.
Inalis sa pwesto si Police Col. Reydante Endonila Ariza bilang hepe ng Ormoc City Police.
Matatandaan na sinabi ni Espinosa na si Ariza ay isa sa mga tauhan ni Gomez.
“’Yan si Ariza, city Director ng Ormoc at ang mayor ng Ormoc na si Lucy Torres at Congressman si Richard Gomez. Itong si Ariza, sa pagkakaalam ko, tauhan nila ito. Kung ano ang utos sa kanya ng mayor at congressman, gagawin niya,” paratang ng binaril.
Sa kabila nito, hindi naman direktang inakusahan ni Espinosa ang sinuman na siyang nag-utos sa kanyang pananambang.
“Mahirap naman na mag-akusa tayo ng tao. Pero under ito sila ni Mayor Lucy Torres, Richard Gomez. Pero hindi ko sinasabi na sila ang nag-utos nito,” aniya.
“Yung pulis natin ay nakikipag-ugnayan na doon sa mga victims para kunin ang kanilang statement… ongoing po yung kino-conduct natin na result for firearms verifications, ballistic examinations, lahat ng kaukulang procedure na makapag-obtain kami ng appropriate pieces of evidence that would link him doon sa nangyaring pamamaril,” sinabi naman ni Apas.
Samantala, sinabi rin ni Espinosa na ang pamamaril sa kanya ay may kinalaman sa pagsuporta niya kay dating Court of Appeals Associate Justice Vicente “Ching” Veloso III, ang kalaban ni Gomez sa Leyte 4th District congressional election. RNT/JGC