Home METRO Cateel, DavOr niyanig ng M-5 na lindolMETRONATIONWIDETOP STORIES Cateel, DavOr niyanig ng M-5 na lindolMarch 18, 2025 09:27 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang hilagang-silangan ng Cateel, Davao Oriental, noong Lunes ng gabi, ayon sa PHIVOLCS.Unang naiulat bilang magnitude 5.4, tumama ang tectonic na lindol bandang 11:41 p.m. na may lalim na 31 kilometro.Naramdaman ito sa Davao de Oro, Surigao del Sur, at mga karatig-lugar, kung saan ang Monkayo, Compostela, at Nabunturan ay nakaranas ng Intensity IV.Wala namang inaasahang pinsala, ngunit may posibilidad ng aftershocks, ayon sa PHIVOLCS. RNT