MANILA, Philippines – Sinampahan ng kaso ng Quezon City Police District (QCPD) si Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas dahil sa inciting to sedition sa ilalim ng Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act.
Nag-post umano si Fontillas ng mga video na bumabatikos sa administrasyong Marcos, nagkokomento sa pag-aresto kay Duterte, at tinutuligsa ang ilang opisyal ng Philippine National Police.
Mula Pebrero 20, nakatalaga siya sa District Personnel and Holding Admin Section ngunit AWOL na mula Marso 6.
Binigyang-diin ng QCPD na dapat manatiling propesyonal, apolitical, at umiwas sa di-awtorisadong social media posts ang kanilang mga tauhan. Santi Celario