ENTERTAINMENT - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Sat, 14 Nov 2026 21:52:30 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.4 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png ENTERTAINMENT - Remate Online https://remate.ph 32 32 Ayon sa isang direktor: Kim, nasa Canada, buntis! https://remate.ph/ayon-sa-isang-direktor-kim-nasa-canada-buntis/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ayon-sa-isang-direktor-kim-nasa-canada-buntis https://remate.ph/ayon-sa-isang-direktor-kim-nasa-canada-buntis/#respond Sat, 14 Nov 2026 21:52:30 +0000 https://remate.ph/?p=765947 Edmonton, Canada – Nasa Edmonton, Canada daw si Kim Chiu. Ito’y ayon sa assistant director at program coordinator ng ABS-CBN na si Tony Mark. Sina Kim at Toni ay kasalukuyang nasa nasabing lugar sa Canada, kasama ang ilang Pinoy artists. Sa Edmonton din naka-base ang younger pilot brother ni Kim na si John Paul Yap […]

The post Ayon sa isang direktor: Kim, nasa Canada, buntis! first appeared on Remate Online.

]]>
Edmonton, Canada – Nasa Edmonton, Canada daw si Kim Chiu.

Ito’y ayon sa assistant director at program coordinator ng ABS-CBN na si Tony Mark.

Sina Kim at Toni ay kasalukuyang nasa nasabing lugar sa Canada, kasama ang ilang Pinoy artists.

Sa Edmonton din naka-base ang younger pilot brother ni Kim na si John Paul Yap for 12 years.

Obyus na walang kamuwang-muwang si Tony na buong kainosentehang nagbalita tungkol sa pagbubuntis ni Kim.

Dahil nga sa ibinalita niyang ‘yon ay may tumawag kay Tony–pilit pinabubura ang kanyang post.

For so long now, matagal nang pinagpipistahan ang tungkol sa kalagayan ng TV host-actress.

Ang itinuturong ama’y walang iba kundi ang leading man ni Kim na si Paulo Avelino.

Habang sinusulat ito’y hindi pa uli nagrereport si Kim sa It’s Showtime. Ronnie Carrasco III

The post Ayon sa isang direktor: Kim, nasa Canada, buntis! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/ayon-sa-isang-direktor-kim-nasa-canada-buntis/feed/ 0
Bea, sa Pinas magpapasko! https://remate.ph/bea-sa-pinas-magpapasko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bea-sa-pinas-magpapasko https://remate.ph/bea-sa-pinas-magpapasko/#respond Sat, 14 Nov 2026 21:51:54 +0000 https://remate.ph/?p=765946 Manila, Philippines – Nakasanayan nang hindi dito sa bansa nagpa-Pasko si Bea Alonzo. Noong dalaga pa daw kasi siya, the Kapuso actress would spend the Christmas holidays outside the country. Pero sa taong ito, dahil married na siya ay in-assure ni Bea na dito sa Pinas siya magki-Christmas. Sa kanyang interview sa People Asia, sinabi […]

The post Bea, sa Pinas magpapasko! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Nakasanayan nang hindi dito sa bansa nagpa-Pasko si Bea Alonzo.

Noong dalaga pa daw kasi siya, the Kapuso actress would spend the Christmas holidays outside the country.

Pero sa taong ito, dahil married na siya ay in-assure ni Bea na dito sa Pinas siya magki-Christmas.

Sa kanyang interview sa People Asia, sinabi ng aktres that Christmas is her favorite time of the year: “I’m excited to decorate since we (siya at ng asawang si Vincent Co) just recently moved in to our new home.”

Noon nga naman, pagkatapos ng Noche Buena ay fly na siya abroad–as her reward daw sa kanyang sarili.

But now things have changed: “I can no longer leave the country since my husband is very busy during Christmas season.

“He has a business to run, so need to stay with him. So for the first time in many years, I’ll be staying in Manila for Christmas!”

Looking forward daw siya dito: “I might prepare something for him. We’ll see how it goes.”

Ipinagtapat din ni Bea sa nasabing panayam how happy her life is now: “Everything makes me giddy these days. I mean, it’s about him…very new and exciting.”

Isinahalbawa ng aktres ang simpleng pagkape-kape nila ni Vincent tuwing umaga bago siya pumasok sa trabaho.

But the most exciting part is having kids in the near future.

lan naman?

“As many as we can,” sabay tawa ni Bea.

I-manifest na ‘yan! Ronnie Carrasco III

The post Bea, sa Pinas magpapasko! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/bea-sa-pinas-magpapasko/feed/ 0
Shaira, sinita ang rude BTS fans! https://remate.ph/shaira-sinita-ang-rude-bts-fans/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=shaira-sinita-ang-rude-bts-fans https://remate.ph/shaira-sinita-ang-rude-bts-fans/#respond Sat, 14 Nov 2026 07:53:57 +0000 https://remate.ph/?p=765815 Manila, Philippines – Nakatikim ng paninita ang mga kapwa niya BTS fans mula kay Shaira Diaz dahil sa behavior ng mga ito. Sa kanyang Facebook, nag-post ang Kapuso actress ng isa sa mga BTS members, si Jung Kook. Jung Kook happens to be one of the nominees para sa 2026 MAMA Awards. Hindi napigilan ng […]

The post Shaira, sinita ang rude BTS fans! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Nakatikim ng paninita ang mga kapwa niya BTS fans mula kay Shaira Diaz dahil sa behavior ng mga ito.

Sa kanyang Facebook, nag-post ang Kapuso actress ng isa sa mga BTS members, si Jung Kook.

Jung Kook happens to be one of the nominees para sa 2026 MAMA Awards.

Hindi napigilan ng misis ni EA Guzman na mag-fangirling sa South Korean boy.

Dito na tila na-rattle o nabulabog ang ilang BTS fans obliging Shaira to publicly root for the entite boy band.

Sey ng isang fan: “Boto-boto din pag may time, ate.”

Sagot ni Shaira: “Marina Rang, nakaboto na. Need i-update ka?”

Marami pang comments ang natanggap ni Shaira–dahilan para mag-react na siya nang bonggang-bongga.

Buwelta niya: “Ang rude lang ng ibang ARMY kung makautos at mang-obliga na ilabas ang voting receipt, tapos, manghuhusga agad na hindi bumoboto. Wag feeling please.”

To prove her point, sinabi pa ni Shaira na: “Girl, I’ll support BTS for life–no need to say it. Pero may buhay din ako outside of fangirling.

“Oo, mahal natin sila pero kindness and politeness won’t cost you anything.”

May mga nagpayo naman kay Shaira na: “Don’t mind them…dahil alam natin sa sarili natin kung paano natin sila mahalin sa paraang gusto natin at ginagawa natin for them.”

Tugon ni Shaira: “Sana all ganito.” Ronnie Carrasco III

The post Shaira, sinita ang rude BTS fans! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/shaira-sinita-ang-rude-bts-fans/feed/ 0
Winwyn, emosyunal sa PBB! https://remate.ph/winwyn-emosyunal-sa-pbb/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=winwyn-emosyunal-sa-pbb https://remate.ph/winwyn-emosyunal-sa-pbb/#respond Sat, 14 Nov 2026 07:40:50 +0000 https://remate.ph/?p=765814 Manila, Philippines – Winwyn Marquez couldn’t help but feel emotional amid a supposedly vibrant atmosphere being part of Pinoy Big Brother Collab 3.0. Aniya, nagi-guilty daw siya lalo’t hindi niya ito magagawa ngayong Christmas season. ‘Yun ay ang maglagay ng mga palamuti sa Christmas tree. Around this time nga naman–or as early as September or […]

The post Winwyn, emosyunal sa PBB! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Winwyn Marquez couldn’t help but feel emotional amid a supposedly vibrant atmosphere being part of Pinoy Big Brother Collab 3.0.

Aniya, nagi-guilty daw siya lalo’t hindi niya ito magagawa ngayong Christmas season.

‘Yun ay ang maglagay ng mga palamuti sa Christmas tree.

Around this time nga naman–or as early as September or October–marami nang mga Pinoy ang naglalagay ng mga Christmas decor sa kani-kanilang mga tahanan.

Ipinagtapat din ng beauty queen-actress na nami-miss na daw niya ang kanyang nag-iisang anak– si Luna, 3.

Ang pagka-miss ni Winwyn sa anak ay triggered ng ipinagawang task sa mga PBB housemates.

Pagkakitang-pagkakita pa lang niya ng mga decor ay nagkuwento na si Winwyn.

Aniya sa mga female housemates, sa magkakasunod na tatlong taon daw ay binubuhat niya si Luna para ilagay ang star sa tuktok ng kanilang family Christmas tree.

Pagtatapat niya: “‘Yung anak ko po, three years straight, kahit baby siya, I make sure na kasama ko po siya mag-ayos ng Christmas tree.

“Wala po kaming grand plans tuwing Pasko. I just want everybody complete.

“‘Yun po ang spirit ng Christmas pag kumpleto ang pamilya,”–this Winwyn said inside the confession room.

Dagdag ni Winwyn, more than two weeks na daw niyang hindi nakikita’t kapiling si Luna: “Nai-imagine ko siya sa gabi.”

Dahil senti pa din, Winwyn put the finishing touch on the tree inside the PBB house.

Taong 2022 noong isilang ni Winwyn si Luna by her non-showbiz partner na kababata niya.

Para maibsan ang kanyang kalungkutan, hinayaan ng kanyang mga fellow housemates si Winwyn na siya ang magpatong ng star sa tuktok ng Christmas tree.

“I kinda feel selfish being here,” saad ng feeling guilty mom.

“Ayokong makalimutan ako ng anak ko while staying here.” Ronnie Carrasco III

The post Winwyn, emosyunal sa PBB! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/winwyn-emosyunal-sa-pbb/feed/ 0
Sarah, namimulog ang pisngi, buntis nga! https://remate.ph/sarah-namimulog-ang-pisngi-buntis-nga/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sarah-namimulog-ang-pisngi-buntis-nga https://remate.ph/sarah-namimulog-ang-pisngi-buntis-nga/#respond Sat, 14 Nov 2026 05:17:47 +0000 https://remate.ph/?p=765781 Manila, Philippines – Litaw na litaw na ang palatandaang buntis ang isang babae. At sa kaso ni Sarah Geronimo, the signs are very telling. Makikita daw kasi ito sa mga pagbabago sa kanyang mukha–maumbok daw kasi ang mga pisngi nito. In short, namimilog! Bale ba, lalo pang tumibay ang buntis issue sa bagong look ni […]

The post Sarah, namimulog ang pisngi, buntis nga! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Litaw na litaw na ang palatandaang buntis ang isang babae.

At sa kaso ni Sarah Geronimo, the signs are very telling.

Makikita daw kasi ito sa mga pagbabago sa kanyang mukha–maumbok daw kasi ang mga pisngi nito.

In short, namimilog!

Bale ba, lalo pang tumibay ang buntis issue sa bagong look ni Sarah.

Lalo daw kasing umumbok ang mga pisngi ng singer-actress sa bago niyang hairstyle.

She looks chubbv daw.

Let’s hear it from the netizens: “Maghihintay na lang kami ng confirmation.”

“Pregnancy glow yarn?”

”Namamaga mukha ni Mommy Sarah”

“For sure, buntis talaga siya!”

“Malapit na, namamaga na ang face!”

“I think it’s a baby boy!”

Despite all these comments, tikom pa din ang bibig ng mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli. Ronnie Carrasco III

The post Sarah, namimulog ang pisngi, buntis nga! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/sarah-namimulog-ang-pisngi-buntis-nga/feed/ 0
Cristy, ‘no reax’ sa reklamo ni Claudine! https://remate.ph/cristy-no-reax-sa-reklamo-ni-claudine/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=cristy-no-reax-sa-reklamo-ni-claudine https://remate.ph/cristy-no-reax-sa-reklamo-ni-claudine/#respond Sat, 14 Nov 2026 05:04:40 +0000 https://remate.ph/?p=765780 Manila, Philippines – Respeto. Ito ang ibinigay na dahilan ni Cristy Fermin sa ‘di pagsagot sa reklamong inihain sa kanila ng Cristy Ferminute co-host na si Romel Tsika nang sumipot sa NBI. Cyber libel ang isinampa ni Claudine Barretto laban sa dalawa sa naturang ahensya. Ani Cristy, hindi sila mag-iisyu ng anumang reaksyon bilang paggalang […]

The post Cristy, ‘no reax’ sa reklamo ni Claudine! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Respeto.

Ito ang ibinigay na dahilan ni Cristy Fermin sa ‘di pagsagot sa reklamong inihain sa kanila ng Cristy Ferminute co-host na si Romel Tsika nang sumipot sa NBI.

Cyber libel ang isinampa ni Claudine Barretto laban sa dalawa sa naturang ahensya.

Ani Cristy, hindi sila mag-iisyu ng anumang reaksyon bilang paggalang sa NBI.

Ibig sabihin, hindi na din magsusumite sina Cristy at Romel ng counter affidavit.

Sa halip ay hihintayin na lang daw nila sa piskalya ang pormal na reklamo ng aktres.

Bale ang tumatayong legal counsel ng dalawang respondents ay si Atty. Shirley labangcura.

The lady lawyer also represented Cristy and Romel in the cyber libel case separately filed by Bea Alonzo–na winithdraw din nito.

Hindi na bago sa ilang taon na niyang karanasan bilang manunulat ang masampahan ng libel o cyber libel–na sa

kalauna’y hindi nagpo-prosper.

Ito’y dahil ang ending- nagkakapatawaran ang mga sangkot na partido.

Kay Claudine kaya? Ronnie Carrasco III

The post Cristy, ‘no reax’ sa reklamo ni Claudine! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/cristy-no-reax-sa-reklamo-ni-claudine/feed/ 0
Daniel Fernando, nag-flex, nasa top 15 ng Top Performing Governors! https://remate.ph/daniel-fernando-nag-flex-nasa-top-15-ng-top-performing-governors/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=daniel-fernando-nag-flex-nasa-top-15-ng-top-performing-governors https://remate.ph/daniel-fernando-nag-flex-nasa-top-15-ng-top-performing-governors/#respond Sat, 14 Nov 2026 02:41:44 +0000 https://remate.ph/?p=765755 Manila, Philippines – Muling napabilang sa hanay ng mga kinikilalang provincial leaders sa bansa ang actor turned politician na si Bulacan Governor Daniel Fernando matapos mapasama sa listahan ng Top Performing, Most Trusted Provincial Governors in the Philippines. Batay sa inilabas na resulta ng pinakahuling Sigaw ng Bayan Survey, nakakuha si Fernando ng 82.5 percent […]

The post Daniel Fernando, nag-flex, nasa top 15 ng Top Performing Governors! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Muling napabilang sa hanay ng mga kinikilalang provincial leaders sa bansa ang actor turned politician na si Bulacan Governor Daniel Fernando matapos mapasama sa listahan ng Top Performing, Most Trusted Provincial Governors in the Philippines.

Batay sa inilabas na resulta ng pinakahuling Sigaw ng Bayan Survey,

nakakuha si Fernando ng 82.5 percent trust rating, dahilan upang mapabilang siya sa Top 15 provincial governors sa buong bansa.

Ang 82.5% trustrating at ika-12 puwesto ay iniulat ng Provincial Government of Bulacan.

Isinagawa ang survey mula Oktubre 1 hanggang 15, 2026, na kinasangkutan umano ng 50,000 respondents.

Ngunit bukod sa kanyang pangalan sa mundo ng politika, may isa pang dahilan kung bakit hindi bago sa publiko ang personalidad ni Fernando—ang kanyang makulay na nakaraan sa industriya ng showbiz.

Bago siya naging gobernador ng Bulacan, nakilala muna si Fernando bilang isang aktor sa pelikula at telebisyon.

Hindi lamang basta artista ang kanyang naging karanasan dahil kinilala rin ang kanyang talento sa pag-arte, kabilang ang pagkakapanalo niya ng Best Actor award sa Gawad Urian noong 1989.

Mula sa harap ng kamera hanggang sa harap ng mga Bulakenyo, tila nagkaroon ng panibagong yugto ang kanyang career. Kung noon ay mga karakter sa pelikula ang kanyang ginagampanan, ngayon naman ay tungkulin ng isang lingkod-bayan ang kanyang tinatahak.

Kapansin-pansin din ang kakaibang crossover ng kanyang career: mula sa mundo ng entertainment, kung saan mahalaga ang suporta ng manonood, patungo sa public service, kung saan mahalaga ang tiwala ng mamamayan.

Sa showbiz, hindi sapat ang kasikatan para manatili sa industriya.

Sa public service naman, ang tiwala ay kailangang patuloy na pinagtitibay sa pamamagitan ng konkretong gawain.

Para kay Fernando, ang pagkakasama sa naturang listahan ay isa pang mahalagang kabanata sa kanyang paglalakbay—mula sa pagiging artista hanggang sa pagiging provincial chief executive.

Sa huli, maaaring magbago ang entablado, kamera at papel na ginagampanan, ngunit nananatiling mahalaga ang isang bagay: ang tiwalang ipinagkakaloob ng publiko. JP Ignacio

The post Daniel Fernando, nag-flex, nasa top 15 ng Top Performing Governors! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/daniel-fernando-nag-flex-nasa-top-15-ng-top-performing-governors/feed/ 0
MTRCB, pinag-aaralan na ang mga reklamo laban sa PBB! https://remate.ph/mtrcb-pinag-aaralan-na-ang-mga-reklamo-laban-sa-pbb/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mtrcb-pinag-aaralan-na-ang-mga-reklamo-laban-sa-pbb https://remate.ph/mtrcb-pinag-aaralan-na-ang-mga-reklamo-laban-sa-pbb/#respond Sat, 14 Nov 2026 02:28:52 +0000 https://remate.ph/?p=765756 Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang ilang mga eksena at interaction sa mga episode ng “Pinoy Big Brother Collab 3.0” matapos matanggap ng ahensya ang mahigit 100 na reklamo mula sa mga manonood. May dalawang pangunahing insidente na naging sentro ng diskusyon. Una ay ang pinag-usapan online na […]

The post MTRCB, pinag-aaralan na ang mga reklamo laban sa PBB! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang ilang mga eksena at interaction sa mga episode ng “Pinoy Big Brother Collab 3.0” matapos matanggap ng ahensya ang mahigit 100 na reklamo mula sa mga manonood.

May dalawang pangunahing insidente na naging sentro ng diskusyon.

Una ay ang pinag-usapan online na paggamit ng salitang “dinosaur” sa mga usapan ng ilang male housemates, kabilang sina Raheel Bhyria, Anthony Constantino at Ethan Benares, kaugnay ng kanilang interaksiyon kay Gehlee Dangca.

May mga manonood na nakaramdam na tila ginagawang premyo o tropeo si Gehlee sa biruan at usapan ng mga lalaki.

Naging kontrobersiyal ito dahil sa tanong kung tama bang gawing paksa ng kompetisyon o biruan ang isang babae nang hindi isinasaalang-alang ang kanyang damdamin at dignidad.

Isa pang umani ng negatibong reaksiyon ay ang insidente kung saan tinawag umano ni Anthony si Primo na “little dookie.”

Ang salitang dookie ay slang para sa dumi o poop.

Naging viral rin ang kuwento ni Primo tungkol sa naturang pagtawag sa kanya at ang naging pakikitungo sa kanya ng ilang housemates.

May mga netizen na kumuwestiyon kung ang ganitong asal ay angkop sa isang programang pinanonood ng iba’t ibang edad.

Sabi ng MTRCB, tatalakayin nito ang mga hinaing ng mga manonood sa isang pagpupulong kasama ang production team ng show.

Pinaalalahan ng MTRCB ang PBB management na mag-ingat at siguruhin na ang bawat episode ay tumatalima sa mga guideline para sa assigned age rating ng sikat na reality television show. JP Ignacio

The post MTRCB, pinag-aaralan na ang mga reklamo laban sa PBB! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/mtrcb-pinag-aaralan-na-ang-mga-reklamo-laban-sa-pbb/feed/ 0
Ivana, aminadong insecure sa bilbil sa kilikili! https://remate.ph/ivana-aminadong-insecure-sa-bilbil-sa-kilikili/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ivana-aminadong-insecure-sa-bilbil-sa-kilikili https://remate.ph/ivana-aminadong-insecure-sa-bilbil-sa-kilikili/#respond Fri, 13 Nov 2026 11:26:16 +0000 https://remate.ph/?p=765713 Manila, Philippines – Sa vlog ng YouTuber na si Viy Cortez, sapilitan niyang isinama on a short out of town trip sina Ivana Alawi at Zeinab Harake gamit ang isang coaster. Ayon kay Ivana, nag-worry siya dahil wala siyang dalang damit. Hirit naman ni Viy, bago raw niya kinidnap ang friend for a getaway ay […]

The post Ivana, aminadong insecure sa bilbil sa kilikili! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Sa vlog ng YouTuber na si Viy Cortez, sapilitan niyang isinama on a short out of town trip sina Ivana Alawi at Zeinab Harake gamit ang isang coaster.

Ayon kay Ivana, nag-worry siya dahil wala siyang dalang damit.

Hirit naman ni Viy, bago raw niya kinidnap ang friend for a getaway ay ipinagpaalam niya ito sa kapatid na si Mona.

Ang trip nila ay naging opportunity para sila makapag-bonding at magwalwalan.

True enough, pagsapit nila ng isla ay dumating ang maleta na naglalaman ng mga damit ni Ivana.

Sa resort, nagtsikahan sila over bonfire pagkatapos nilang magtayo ng tent.

Sumalalim din siya sa question and answer challenge kung saan tinugon niya ang ilang nakahandang katanungan para sa kanya.

Sa tanong kung may bet siyang balikan sa kanyang mga naging dyowa, wala raw siyang lilingunin, ayon kay Ivana.

After ng kanyang mga naging karanasan sa mga ex, short na rin daw ang memorya niya sa mga ito.

Tungkol naman sa kanyang greatest insecurity, ito raw ay ang bilbil niya sa kanyang kilikili at maging sa hugis ng kanyang ilong.

Pero ngayon daw ay keber na lang siya sa mga pumupuna sa kanya.

Katunayan, dapat daw ay maging proud dahil bahagi ang mga ito ng kanyang total package.

Isa raw naman sa maling impresyon sa kanya ay ang imaheng suplada o mataray siya.

Paliwanag niya, natural lang daw sa kanya ang hindi palangiti kaya nami-misinterpret na bitch o mataray siya.

Kung may isang bagay daw naman na ‘hate’ niya na pinagawa sa kanya, ito raw ay ang pagkanta.

Esplika niya, bagama’t kumakanta raw siya ay hindi raw naman talaga siya isang singer.

Hinggil naman sa bagay na bet niyang ipabura sa social media, ito raw ay iyong TikTok video niya kung saan nag-iingles siya.

Hirit niya, nag-aral daw naman talaga siya sa British school kaya inglesera siya at may accent ang English.

Pero kahit daw man siya pag pinapanood niya ang video ay naaartehan siya sa sarili.

Gustong-gusto raw niyang i-delete ang nasabing clip pero hirap siyang gawin dahil matagal na niyang nalimutan ang password ng kanyang account. Archie Liao

The post Ivana, aminadong insecure sa bilbil sa kilikili! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/ivana-aminadong-insecure-sa-bilbil-sa-kilikili/feed/ 0