LIFESTYLE - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Tue, 28 Jul 2026 02:05:55 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.0.2 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png LIFESTYLE - Remate Online https://remate.ph 32 32 Mahigit 2,000 kaso ng dengue, naitala sa Maynila https://remate.ph/mahigit-2000-kaso-ng-dengue-naitala-sa-maynila/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mahigit-2000-kaso-ng-dengue-naitala-sa-maynila https://remate.ph/mahigit-2000-kaso-ng-dengue-naitala-sa-maynila/#respond Tue, 28 Jul 2026 02:30:29 +0000 https://remate.ph/?p=741356 MANILA, Philippines — Umabot sa 2,051 ang kaso ng dengue na naitala sa Maynila mula Enero 1 hanggang Hulyo 27, pinakamataas sa mga water-borne, influenza-like illnesses, leptospirosis, at dengue diseases na minomonitor ng Manila Health Department. Ayon sa Public Information Office ng lungsod, nadagdagan ng tatlong bagong kaso ng dengue ang bilang nitong Hulyo 27. […]

The post Mahigit 2,000 kaso ng dengue, naitala sa Maynila first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines — Umabot sa 2,051 ang kaso ng dengue na naitala sa Maynila mula Enero 1 hanggang Hulyo 27, pinakamataas sa mga water-borne, influenza-like illnesses, leptospirosis, at dengue diseases na minomonitor ng Manila Health Department.

Ayon sa Public Information Office ng lungsod, nadagdagan ng tatlong bagong kaso ng dengue ang bilang nitong Hulyo 27.

Sa kaparehong panahon, nakapagtala rin ang Maynila ng 816 kaso ng influenza-like illnesses, 259 severe acute respiratory infections, 108 leptospirosis cases, 72 kumpirmadong Covid-19 cases, 61 typhoid fever cases, at tatlong cholera cases.

Noong Hulyo 27 lamang, nakapagtala ang lungsod ng apat na bagong kaso ng severe acute respiratory infection, tatlong leptospirosis cases, tatlong dengue cases, dalawang kumpirmadong Covid-19 cases, at isang typhoid fever case.

Batay ang mga datos sa Electronic Disease Case Surveillance Information System report na nakuha alas-5 ng umaga noong Hulyo 27.

Pinaalalahanan ng Manila Health Department ang mga residente na panatilihing malinis ang kapaligiran, alisin ang mga naipong tubig na maaaring pamugaran ng lamok, iwasang lumusong sa baha, at agad magpakonsulta kapag nakaranas ng sintomas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Mahigit 2,000 kaso ng dengue, naitala sa Maynila first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/mahigit-2000-kaso-ng-dengue-naitala-sa-maynila/feed/ 0
Sirit-HIV ibinabala sa $7.3B tapyas-pondo https://remate.ph/sirit-hiv-ibinabala-sa-7-3b-tapyas-pondo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sirit-hiv-ibinabala-sa-7-3b-tapyas-pondo https://remate.ph/sirit-hiv-ibinabala-sa-7-3b-tapyas-pondo/#respond Tue, 28 Jul 2026 01:52:44 +0000 https://remate.ph/?p=741346 GENEVA — Nanganganib na muling lumala ang HIV epidemic sa buong mundo matapos bumaba nang 18 porsiyento sa $7.3 bilyon ang international funding noong 2025, ang pinakamababang antas sa halos dalawang dekada, ayon sa UNAIDS. Sa ulat na inilabas sa pagbubukas ng isang international AIDS conference sa Brazil, nagbabala ang ahensiya ng United Nations na […]

The post Sirit-HIV ibinabala sa $7.3B tapyas-pondo first appeared on Remate Online.

]]>
GENEVA — Nanganganib na muling lumala ang HIV epidemic sa buong mundo matapos bumaba nang 18 porsiyento sa $7.3 bilyon ang international funding noong 2025, ang pinakamababang antas sa halos dalawang dekada, ayon sa UNAIDS.

Sa ulat na inilabas sa pagbubukas ng isang international AIDS conference sa Brazil, nagbabala ang ahensiya ng United Nations na maaaring mabawi ng kaguluhang pampolitika at pinansiyal ang ilang dekadang progreso laban sa HIV.

“The international community has entered a period of profound political and financial upheaval that threatens decades of hard-won gains against HIV,” ayon sa UNAIDS. “Without renewed commitment and action, the world risks a resurgence of the HIV epidemic.”

Kasunod ang pagbaba ng pondo sa pagbawas ng international support, partikular mula sa United States na dating nagbibigay ng 75 porsiyento ng pandaigdigang HIV funding.

Bagama’t ibinalik ang ilang life-saving treatment programs matapos ang pansamantalang paghinto ng pondo noong Enero 2025, nanatiling limitado ang maraming prevention initiatives.

Ayon sa UNAIDS, nanganganib ang mga tagumpay na nagpababa sa bagong HIV infections at AIDS-related deaths sa pinakamababang antas sa mahigit 30 taon.

“The current fragility of the HIV response puts these gains at risk unless global solidarity is restored and inequalities are addressed,” pahayag ng ahensiya.

Humigit-kumulang 1.2 milyong tao ang nahawahan ng HIV noong 2025, habang malayo pa rin sa target ang pagwawakas sa AIDS pagsapit ng 2030 dahil sa kakulangan sa pondo at iba pang health crises.

Bahagyang napunan ng mas mataas na domestic spending ang nabawas na foreign aid kaya nalimitahan sa 6 porsiyento ang kabuuang pagbaba ng HIV resources. Gayunman, hindi lahat ng pamahalaan ay nakayang punan ang kakulangan.

Naitala sa sub-Saharan Africa, na pinagmumulan ng halos kalahati ng bagong global infections, ang ilan sa pinakamalalaking pagbawas sa prevention spending.

Ipinakita ng national data mula Cameroon, Nigeria, at Zambia na bumaba nang mahigit 50 porsiyento ang bilang ng mga taong tumatanggap ng pre-exposure prophylaxis o PrEP.

“HIV funding disruptions severely impacted HIV prevention, testing and key components of treatment programmes, such as the range of community-led services that reach the people most affected by HIV,” ayon sa UNAIDS. Dave Baluyot

The post Sirit-HIV ibinabala sa $7.3B tapyas-pondo first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/sirit-hiv-ibinabala-sa-7-3b-tapyas-pondo/feed/ 0
Manila Zoo, target gawing world-class attraction; Mayor Isko hinikayat publiko na bumisita https://remate.ph/manila-zoo-target-gawing-world-class-attraction-mayor-isko-hinikayat-publiko-na-bumisita/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=manila-zoo-target-gawing-world-class-attraction-mayor-isko-hinikayat-publiko-na-bumisita https://remate.ph/manila-zoo-target-gawing-world-class-attraction-mayor-isko-hinikayat-publiko-na-bumisita/#respond Sun, 26 Jul 2026 07:07:10 +0000 https://remate.ph/?p=741010 MANILA, Philippines – Target ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na gawing isang world-class tourist attraction ang Manila Zoo kasabay ng pagdiriwang ng ika-67 anibersaryo nito nitong Sabado. Sa pagdiriwang na dinaluhan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza, sinabi ng alkalde na puspusan ang pagsisikap ng lungsod upang maibalik ang sigla […]

The post Manila Zoo, target gawing world-class attraction; Mayor Isko hinikayat publiko na bumisita first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Target ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na gawing isang world-class tourist attraction ang Manila Zoo kasabay ng pagdiriwang ng ika-67 anibersaryo nito nitong Sabado.

Sa pagdiriwang na dinaluhan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza, sinabi ng alkalde na puspusan ang pagsisikap ng lungsod upang maibalik ang sigla at maitaas ang antas ng Manila Zoo, ang kauna-unahang zoological park sa Pilipinas na binuksan noong Hulyo 25, 1959 sa ilalim ng administrasyon ni dating Manila Mayor Arsenio Lacson.

Ayon kay Yorme Isko, bahagi ng modernisasyon ng zoo ang layuning makasabay ito sa mga kilalang zoological park sa iba pang bansa sa Asya habang tinitiyak ang maayos na pangangalaga sa mga hayop at pasilidad.

Kasabay nito, nanawagan si Domagoso sa publiko na pangalagaan ang Manila Zoo upang patuloy itong mapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Inanyayahan din niya ang mga pamilya na bumisita at maranasan ang mga naging atraksiyon sa zoo, kabilang ang mga batang hayop na sina Atlas at Apollo, gayundin ang muling binuksang boating activity na nagbibigay ng karagdagang libangan at pagkakataon para sa mga bata na higit na mapalapit sa kalikasan.

Binigyang-diin pa ng alkalde na patuloy na binabantayan ng mga beterinaryo at animal specialists ang kalusugan at kapakanan ng lahat ng hayop sa Manila Zoo.

Samantala, dinagsa rin ng mga bisita ang boating activity sa loob ng zoo na nagkakahalaga ng P120 para sa apat na katao sa loob ng 20 minuto. Sinubukan din nina Mayor Isko at Vice Mayor Atienza ang naturang atraksyon bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo. JAY REYES

The post Manila Zoo, target gawing world-class attraction; Mayor Isko hinikayat publiko na bumisita first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/manila-zoo-target-gawing-world-class-attraction-mayor-isko-hinikayat-publiko-na-bumisita/feed/ 0
DOH, pansamantalang itinigil pagbili ng suplay para sa TB program https://remate.ph/doh-pansamantalang-itinigil-pagbili-ng-suplay-para-sa-tb-program/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-pansamantalang-itinigil-pagbili-ng-suplay-para-sa-tb-program https://remate.ph/doh-pansamantalang-itinigil-pagbili-ng-suplay-para-sa-tb-program/#respond Sun, 26 Jul 2026 05:43:21 +0000 https://remate.ph/?p=740959 MANILA, Philippines – Pansamantalang ipinahinto ng Department of Health (DOH) ang lahat ng procurement o pagbili ng mga gamot, diagnostic supplies, at iba pang kagamitan para sa tuberculosis (TB) program para sa taong 2026 sa ilalim ng isang memorandum na may petsang Hulyo 24, 2026 na nilagdaan ni Health Secretary Dr. Jose “Brix” Pujalte Jr. […]

The post DOH, pansamantalang itinigil pagbili ng suplay para sa TB program first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Pansamantalang ipinahinto ng Department of Health (DOH) ang lahat ng procurement o pagbili ng mga gamot, diagnostic supplies, at iba pang kagamitan para sa tuberculosis (TB) program para sa taong 2026 sa ilalim ng isang memorandum na may petsang Hulyo 24, 2026 na nilagdaan ni Health Secretary Dr. Jose “Brix” Pujalte Jr.

Ayon sa memorandum, isinasailalim muna sa due diligence at karagdagang pagsusuri ang mga procurement activity bago ito ipagpatuloy.

Ngunit walang opisyal na pahayag ang DOH kung paano nito maaapektuhan ang iskedyul ng pagbili at distribusyon ng mga gamot at iba pang suplay para sa TB program.

Layunin ng National Tuberculosis Control Program ng DOH na matiyak ang maagap na pagsusuri, tuloy-tuloy na gamutan, at pagpigil sa pagkalat ng sakit.

Ayon naman sa mga eksperto sa pampublikong kalusugan, mahalagang hindi napuputol ang suplay ng TB medicines upang maiwasan ang pagkaantala ng gamutan, pagkalat ng impeksiyon, at pagdami ng mga kaso ng drug-resistant tuberculosis.

Samantala, lumitaw din ang mga alegasyon na umano’y palaging bukang-bibig ni Secretary Pujalte at ng bitbit nyang legal counsel na si MGT ang pangalan ni First Lady Liza Araneta Marcos kaugnay sa bawat desisyon nito sa DOH.

Ayon sa mga bulong-bulungan sa loob mismo ng Office of the Secretary, laging si “FL” umano ang sinasabing nag-uutos ng mga gagawing hakbang ni Puljate.

Kasama umano sa iniutos sa kanya ni FL ang paglilista kung sino ang mga “good or bad” na kawani ng DOH na nagdudulot ng pagkakahati-hati at pagaaway-away sa loob ng ahensya.

Pangatlo ang Pilipinas sa buong mundo sa mga bansang may pinakamataas na bilang ng kaso ng TB, kung saan umabot sa 500 bagong kaso kada 100,000 populasyon ang naitala noong 2024, base sa bagong pandaigdigang ulat ng World Health Organization (WHO) na inilabas nitong nakaraang linggo.

Pagdating sa TB incident rate ng DOH, mahigit limang beses ang itinaas ng kaso ng TB sa bawat 100,000 na katao mula sa huling datos nito noong nakaraang taon. Dahil dito, nasa ilalim ng category 1 o “severely endemic” ang ating bansa. (KRIS JOSE)

The post DOH, pansamantalang itinigil pagbili ng suplay para sa TB program first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/doh-pansamantalang-itinigil-pagbili-ng-suplay-para-sa-tb-program/feed/ 0
Matinding init sa Japan, ikinamatay ng 14 katao https://remate.ph/matinding-init-sa-japan-ikinamatay-ng-14-katao/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=matinding-init-sa-japan-ikinamatay-ng-14-katao https://remate.ph/matinding-init-sa-japan-ikinamatay-ng-14-katao/#respond Thu, 23 Jul 2026 07:58:12 +0000 https://remate.ph/?p=740361 TOKYO, Japan — Nakararanas ng matinding init ang Japan, kung saan umabot sa higit 40°C ang temperatura sa ilang lungsod. Dahil dito, gumamit ang Japan Meteorological Agency (JMA) ng bagong terminong “kokushobi” o “cruelly hot day” upang bigyang-babala ang publiko. Naglabas ng heatstroke alerts ang JMA sa 41 sa 47 prefectures ng bansa at hinikayat […]

The post Matinding init sa Japan, ikinamatay ng 14 katao first appeared on Remate Online.

]]>
TOKYO, Japan — Nakararanas ng matinding init ang Japan, kung saan umabot sa higit 40°C ang temperatura sa ilang lungsod. Dahil dito, gumamit ang Japan Meteorological Agency (JMA) ng bagong terminong “kokushobi” o “cruelly hot day” upang bigyang-babala ang publiko.

Naglabas ng heatstroke alerts ang JMA sa 41 sa 47 prefectures ng bansa at hinikayat ang publiko, lalo na ang mga senior citizen, na mag-ingat laban sa matinding init.

Ayon sa Fire and Disaster Management Agency, 14 katao ang namatay dahil sa heat-related causes sa nakalipas na isang linggo, habang halos 11,000 katao ang dinala sa ospital dahil sa heatstroke.

“It is no exaggeration to call this extreme heat a ‘disaster’ with many people being rushed to hospitals or even dying as a result of heatstroke,” ayon sa ahensya.

Ayon naman kay government spokesperson Minoru Kihara, patuloy ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga hakbang tulad ng paglalagay ng air conditioner sa mga school gym at paghikayat sa mga negosyo na sundin ang tamang safety measures laban sa init.

“We ask all citizens to check the status of heatstroke alerts in their local areas, use air conditioners and other cooling devices appropriately to stay in a cool environment, and frequently drink water and take some salt.”

“We urge everyone to take these life-saving precautions.”

Noong Martes, isang 85-anyos na magsasaka ang natagpuang walang malay sa loob ng greenhouse sa Tochigi at kalaunan ay idineklarang patay.

Ayon sa mga siyentipiko, mas lumalala ang matitinding heat wave dahil sa climate change. Naranasan ng Japan ang pinakamainit nitong tag-init noong nakaraang taon, habang ang pinakamataas na naitalang temperatura sa bansa ay 41.8°C noong Agosto 5, 2025. RNT/MDS

The post Matinding init sa Japan, ikinamatay ng 14 katao first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/matinding-init-sa-japan-ikinamatay-ng-14-katao/feed/ 0
Nasawi sa Ebola outbreak sa Congo, halos 1,000 na https://remate.ph/nasawi-sa-ebola-outbreak-sa-congo-halos-1000-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nasawi-sa-ebola-outbreak-sa-congo-halos-1000-na https://remate.ph/nasawi-sa-ebola-outbreak-sa-congo-halos-1000-na/#respond Thu, 23 Jul 2026 00:03:29 +0000 https://remate.ph/?p=740226 BUNIA, Congo — Umabot na sa 999 ang nasawi sa pinakahuling Ebola outbreak sa Congo, na itinuturing ng mga awtoridad na pinakamabilis na pagkalat ng sakit na naitala sa kasaysayan. Batay sa datos na inilabas ng Ministry of Health ng Congo, umabot na sa 2,473 ang naitalang kaso at 999 ang nasawi hanggang nitong Linggo. […]

The post Nasawi sa Ebola outbreak sa Congo, halos 1,000 na first appeared on Remate Online.

]]>

BUNIA, Congo — Umabot na sa 999 ang nasawi sa pinakahuling Ebola outbreak sa Congo, na itinuturing ng mga awtoridad na pinakamabilis na pagkalat ng sakit na naitala sa kasaysayan.

Batay sa datos na inilabas ng Ministry of Health ng Congo, umabot na sa 2,473 ang naitalang kaso at 999 ang nasawi hanggang nitong Linggo.

Idineklara ang outbreak noong Mayo 15 at sangkot dito ang Bundibugyo strain ng Ebola virus, na wala pang aprubadong bakuna o gamot.

Mas mabilis itong kumitil ng buhay kumpara sa mga naunang outbreak, kabilang ang epidemya noong 2013 hanggang 2016 na ikinasawi ng mahigit 11,000 katao mula sa hindi bababa sa 28,000 kaso. Umabot noon ng halos walong buwan bago pumalo sa 1,000 ang bilang ng mga namatay.

Bihira ngunit lubhang nakahahawa ang Ebola at naipapasa sa pamamagitan ng bodily fluids gaya ng dugo, suka at semilya. Nagdudulot ito ng malubhang karamdaman at kadalasang nakamamatay. Dave Baluyot

The post Nasawi sa Ebola outbreak sa Congo, halos 1,000 na first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/nasawi-sa-ebola-outbreak-sa-congo-halos-1000-na/feed/ 0
3 utas sa hantavirus sa Venezuela https://remate.ph/3-utas-sa-hantavirus-sa-venezuela/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-utas-sa-hantavirus-sa-venezuela https://remate.ph/3-utas-sa-hantavirus-sa-venezuela/#respond Wed, 22 Jul 2026 06:30:47 +0000 https://remate.ph/?p=740048 CARACAS, Venezuela — Kinumpirma ng Ministry of Health ng Venezuela na tatlong katao ang nasawi matapos mahawa ng hantavirus sa estado ng Anzoátegui. Ayon sa pamahalaan, walang ebidensiyang naipapasa ang sakit mula tao sa tao sa bansa. Karaniwang kumakalat ang hantavirus sa pamamagitan ng mga daga, at bihira lamang ang human-to-human transmission. Nilinaw rin ng health […]

The post 3 utas sa hantavirus sa Venezuela first appeared on Remate Online.

]]>
CARACAS, Venezuela — Kinumpirma ng Ministry of Health ng Venezuela na tatlong katao ang nasawi matapos mahawa ng hantavirus sa estado ng Anzoátegui.

Ayon sa pamahalaan, walang ebidensiyang naipapasa ang sakit mula tao sa tao sa bansa. Karaniwang kumakalat ang hantavirus sa pamamagitan ng mga daga, at bihira lamang ang human-to-human transmission.

Nilinaw rin ng health ministry na walang kaugnayan ang mga pagkamatay sa hantavirus sa pagkamatay ng dalawang health worker sa estado ng Barinas, na patuloy pang iniimbestigahan.

Noong Abril, nagkaroon din ng hantavirus outbreak sa MV Hondius cruise ship kung saan tatlong tao ang namatay. Idineklara ng World Health Organization (WHO) na tapos na ang outbreak noong unang bahagi ng Hulyo.

Ang barko ay umalis mula Argentina, kung saan matatagpuan ang Andes strain, ang tanging uri ng hantavirus na kilalang maaaring maipasa mula tao sa tao. RNT/MDS

The post 3 utas sa hantavirus sa Venezuela first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/3-utas-sa-hantavirus-sa-venezuela/feed/ 0
International Pet Summit 2026, magbabalik sa Hulyo 24–26 https://remate.ph/international-pet-summit-2026-magbabalik-sa-hulyo-24-26/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=international-pet-summit-2026-magbabalik-sa-hulyo-24-26 https://remate.ph/international-pet-summit-2026-magbabalik-sa-hulyo-24-26/#respond Fri, 17 Jul 2026 06:30:32 +0000 https://remate.ph/?p=739012 MANILA, Philippines – Magbabalik ang International Pet Summit (IPS) Philippines 2026 sa Hulyo 24 hanggang 26 sa SMX Convention Center Manila, matapos ang matagumpay na edisyon nito noong 2025. Pinangungunahan ng PVDA Foundation, Inc. at Philippine Veterinary Drug and Nutrition Association (PVDNA) ang tatlong araw na pagtitipon na naglalayong isulong ang responsableng pag-aalaga ng alagang […]

The post International Pet Summit 2026, magbabalik sa Hulyo 24–26 first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Magbabalik ang International Pet Summit (IPS) Philippines 2026 sa Hulyo 24 hanggang 26 sa SMX Convention Center Manila, matapos ang matagumpay na edisyon nito noong 2025.

Pinangungunahan ng PVDA Foundation, Inc. at Philippine Veterinary Drug and Nutrition Association (PVDNA) ang tatlong araw na pagtitipon na naglalayong isulong ang responsableng pag-aalaga ng alagang hayop.

Noong 2025, mahigit 27,000 katao ang dumalo sa IPS, na kinilala bilang isa sa pinakamalalaking pet events sa Pilipinas at Asya.

Kabilang sa mga tampok sa IPS 2026 ang libreng konsultasyon, bakuna at diagnostic services para sa mga alagang hayop, mga seminar tungkol sa tamang pag-aalaga at nutrisyon ng mga alaga, mga talakayan ng pet behavior experts, animal welfare advocacy activities, giveaways, raffle, pet fashion show, at iba pang interactive na aktibidad para sa mga pet owners at kanilang mga alaga.

Bukas ang summit sa publiko at inaasahang dadaluhan ng mas maraming exhibitors, veterinary professionals, animal welfare groups, at pet lovers ngayong taon.

Ayon kay Dr. Corazon Occidental, pangulo ng PVDA Foundation, Inc., layunin ng International Pet Summit na palakasin ang responsableng pet ownership, animal welfare, at pakikipagtulungan ng mga pet owners, beterinaryo, at iba pang organisasyon para sa kapakanan ng mga alagang hayop. RNT/MDS

The post International Pet Summit 2026, magbabalik sa Hulyo 24–26 first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/international-pet-summit-2026-magbabalik-sa-hulyo-24-26/feed/ 0
Kaso ng Covid-19, bumaba ng 70% ngayong taon – DOH https://remate.ph/kaso-ng-covid-19-bumaba-ng-70-ngayong-taon-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaso-ng-covid-19-bumaba-ng-70-ngayong-taon-doh https://remate.ph/kaso-ng-covid-19-bumaba-ng-70-ngayong-taon-doh/#respond Fri, 17 Jul 2026 06:19:39 +0000 https://remate.ph/?p=739013 MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) na nananatiling mababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, matapos itong bumaba ng 70% ngayong taon. Ayon sa DOH, 1,532 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala mula Enero 4 hanggang Hulyo 11, 2026, mas mababa kumpara sa 5,070 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang […]

The post Kaso ng Covid-19, bumaba ng 70% ngayong taon – DOH first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) na nananatiling mababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, matapos itong bumaba ng 70% ngayong taon.

Ayon sa DOH, 1,532 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala mula Enero 4 hanggang Hulyo 11, 2026, mas mababa kumpara sa 5,070 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Bagama’t mababa ang bilang ng mga kaso, hinikayat pa rin ng DOH ang publiko na ipagpatuloy ang mga simpleng hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at iba pang sakit sa paghinga.

Pinayuhan ng ahensya ang publiko na regular na maghugas ng kamay, takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing, at panatilihin ang wastong kalinisan.

Hinimok din ang mga nakararanas ng sintomas ng sakit sa paghinga na magpatingin sa pinakamalapit na health center o pagamutan at sundin ang mga tamang hakbang upang hindi makahawa sa iba.

Ayon sa DOH, maaaring walang sintomas ang COVID-19 o kaya naman ay magdulot ng banayad hanggang malubhang sakit sa paghinga. Kabilang sa mga karaniwang sintomas ang lagnat, panginginig, pananakit ng lalamunan, ubo, sipon o baradong ilong, sakit ng ulo, pagkapagod, pananakit ng kalamnan, hirap sa paghinga, pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, pananakit ng tiyan, at pagkawala o pagbabago ng panlasa o pang-amoy.

Samantala, pinaalalahanan ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines ang publiko na manatiling mapagmatyag matapos ang pagtaas ng kaso sa ilang lugar tulad ng Quezon City, ngunit iginiit na wala namang dahilan para mag-panic dahil karamihan sa mga bagong kaso ay mas banayad.

Inirekomenda rin ng mga eksperto ang pagsusuot ng face mask at pag-iwas sa matataong lugar kapag may sakit, at ang pagpapasuri para sa COVID-19 kung makararanas ng mga sintomas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Kaso ng Covid-19, bumaba ng 70% ngayong taon – DOH first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/kaso-ng-covid-19-bumaba-ng-70-ngayong-taon-doh/feed/ 0