METRO - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Wed, 21 Oct 2026 04:28:18 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.3 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png METRO - Remate Online https://remate.ph 32 32 3 EDSA Busway stations bukas na matapos rehab https://remate.ph/3-edsa-busway-stations-bukas-na-matapos-rehab/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-edsa-busway-stations-bukas-na-matapos-rehab https://remate.ph/3-edsa-busway-stations-bukas-na-matapos-rehab/#respond Wed, 21 Oct 2026 03:56:58 +0000 https://remate.ph/?p=760722 MANILA, Philippines — Muling binuksan sa publiko ang North Avenue, Monumento at Bagong Barrio stations ng EDSA Busway matapos isailalim sa rehabilitasyon, ayon sa Department of Transportation (DOTr). Ininspeksiyon nina Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez at Senior Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor ang North Avenue at Bagong Barrio stations upang tingnan […]

The post 3 EDSA Busway stations bukas na matapos rehab first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines — Muling binuksan sa publiko ang North Avenue, Monumento at Bagong Barrio stations ng EDSA Busway matapos isailalim sa rehabilitasyon, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ininspeksiyon nina Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez at Senior Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor ang North Avenue at Bagong Barrio stations upang tingnan ang daloy ng mga pasahero at iba pang maaaring pagbutihin.

Bahagi ang rehabilitasyon sa Phase 1 ng EDSA Busway Rehabilitation Project na layuning gawing mas ligtas, maayos at komportable ang paggamit ng mga istasyon.

Kabilang sa mga isinagawang improvements ang mas malalawak na platform, mas maaliwalas na waiting areas, bagong railings at vertical louvers, tactile paving, wayfinding signs at LED information displays.

Patuloy naman ang pagkukumpuni sa mga elevator ng North Avenue at Bagong Barrio stations.

Matatagpuan ang North Avenue station sa Quezon City, habang nasa Caloocan City naman ang Monumento at Bagong Barrio stations. RNT

The post 3 EDSA Busway stations bukas na matapos rehab first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/3-edsa-busway-stations-bukas-na-matapos-rehab/feed/ 0
P442K shabu nasabat, 2 arestado sa Taguig buy-bust https://remate.ph/p442k-shabu-nasabat-2-arestado-sa-taguig-buy-bust/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p442k-shabu-nasabat-2-arestado-sa-taguig-buy-bust https://remate.ph/p442k-shabu-nasabat-2-arestado-sa-taguig-buy-bust/#respond Wed, 21 Oct 2026 03:01:57 +0000 https://remate.ph/?p=760688 TAGUIG CITY — Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makumpiskahan ng mahigit P442,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Western Bicutan, Taguig City, Lunes ng gabi, Oktubre 19. Kinilala ng Taguig City Police ang mga suspek na sina alyas “June,” 41, na itinuturing na high-value individual (HVI), at […]

The post P442K shabu nasabat, 2 arestado sa Taguig buy-bust first appeared on Remate Online.

]]>

TAGUIG CITY — Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makumpiskahan ng mahigit P442,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Western Bicutan, Taguig City, Lunes ng gabi, Oktubre 19.

Kinilala ng Taguig City Police ang mga suspek na sina alyas “June,” 41, na itinuturing na high-value individual (HVI), at alyas “Jane,” 38, isang street-level individual (SLI). Kapwa sila residente ng Barangay Fort Bonifacio.

Batay sa ulat na isinumite kay Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Rodel Pastor, isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang operasyon dakong alas-8:30 ng gabi sa harap ng Gate 3 Plaza sa Juliano Avenue.

Narekober umano sa mga suspek ang dalawang heat-sealed plastic sachet at isang nakabuhol na plastik na naglalaman ng kabuuang 65.06 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P442,408.

Nasamsam din ang P500 buy-bust money at anim na tig-P1,000 boodle money na ginamit sa operasyon.

Nasa kustodiya na ng SDEU ang dalawang suspek habang inihahanda ang mga reklamong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Patuloy kaming magsisikap na ilayo ang ilegal na droga sa ating mga komunidad at palakasin ang tiwala ng publiko sa kapulisan,” ani Pastor.

Hinimok naman ng SPD ang publiko na ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga. JAMES I. CATAPUSAN

The post P442K shabu nasabat, 2 arestado sa Taguig buy-bust first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/p442k-shabu-nasabat-2-arestado-sa-taguig-buy-bust/feed/ 0
Media groups kinondena ‘pananakit’ ng pulis sa Bulatlat reporter https://remate.ph/media-groups-kinondena-pananakit-ng-pulis-sa-bulatlat-reporter/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=media-groups-kinondena-pananakit-ng-pulis-sa-bulatlat-reporter https://remate.ph/media-groups-kinondena-pananakit-ng-pulis-sa-bulatlat-reporter/#respond Tue, 20 Oct 2026 23:44:33 +0000 https://remate.ph/?p=760634 MANILA, Philippines — Kinondena ng Bulatlat at ilang media groups ang umano’y paggamit ng puwersa ng mga pulis laban sa isang reporter habang nagko-cover ng kilos-protesta sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City nitong Lunes. Makikita sa video na kumalat online na pinipigilan ng mga pulis si Bulatlat reporter Ernest Cruz, habang paulit-ulit […]

The post Media groups kinondena ‘pananakit’ ng pulis sa Bulatlat reporter first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines — Kinondena ng Bulatlat at ilang media groups ang umano’y paggamit ng puwersa ng mga pulis laban sa isang reporter habang nagko-cover ng kilos-protesta sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City nitong Lunes.

Makikita sa video na kumalat online na pinipigilan ng mga pulis si Bulatlat reporter Ernest Cruz, habang paulit-ulit niyang sinasabing miyembro siya ng media at ipinapakita ang kanyang press ID.

Nangyari ang insidente habang nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga pulis at mga nagkakampong demonstrador sa DAR hinggil sa lugar na maaari nilang gamitin para sa protesta.

Nanawagan ang Bulatlat na imbestigahan ng Commission on Human Rights ang insidente.

Kinondena rin ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang nangyari at iginiit na dapat maprotektahan ang mga mamamahayag habang ginagampanan ang kanilang trabaho. Ayon sa grupo, ipinagbabawal sa ilalim ng kasunduan ng National Police Commission at Presidential Task Force on Media Security noong Oktubre 2025 ang paggamit ng puwersa laban sa media workers.

Samantala, sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na iniimbestigahan nito ang insidente.

Batay umano sa paunang ulat ng QCPD, nagkaroon ng verbal altercation sa pagitan ni Cruz at mga pulis at sinasabing nagmura at sumipa umano ang reporter sa ilang personnel, dahilan upang pigilan siya ng mga awtoridad. Kalaunan ay pinalaya rin siya.

Sinabi ng QCPD na aalamin nito ang buong pangyayari at ibabatay ang anumang susunod na hakbang sa ebidensiya, umiiral na batas at due process.

May iba pang media workers na iniulat na nasaktan sa protesta, kabilang ang isang campus journalist na ayon sa College Editors Guild of the Philippines ay naapakan umano ng mga pulis. Santi Celario

The post Media groups kinondena ‘pananakit’ ng pulis sa Bulatlat reporter first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/media-groups-kinondena-pananakit-ng-pulis-sa-bulatlat-reporter/feed/ 0
Mga katutubo nanawagan ng pananagutan sa NCIP https://remate.ph/mga-katutubo-nanawagan-ng-pananagutan-sa-ncip/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-katutubo-nanawagan-ng-pananagutan-sa-ncip https://remate.ph/mga-katutubo-nanawagan-ng-pananagutan-sa-ncip/#respond Tue, 20 Oct 2026 11:54:50 +0000 https://remate.ph/?p=760583 MANILA, Philippines – Nagtungo sa tanggapan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) nitong Miyerkules ang mga lider ng Igorot at Lumad mula sa KATRIBU, kasama ang mga Ayta mula Tarlac at Pampanga, Mangyan mula Mindoro, Molbog mula Palawan, at mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo. Layunin nilang panagutin ang ahensya sa mga alegasyon […]

The post Mga katutubo nanawagan ng pananagutan sa NCIP first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nagtungo sa tanggapan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) nitong Miyerkules ang mga lider ng Igorot at Lumad mula sa KATRIBU, kasama ang mga Ayta mula Tarlac at Pampanga, Mangyan mula Mindoro, Molbog mula Palawan, at mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo.

Layunin nilang panagutin ang ahensya sa mga alegasyon ng korapsyon, pang-aagaw ng mga lupang ninuno, at paglabag sa karapatan ng Indigenous Peoples (IP), kabilang ang karapatan sa Free, Prior and Informed Consent (FPIC).

Bilang paggunita sa National Indigenous Peoples and Peasant Month ngayong Oktubre, iginiit ng mga katutubo: “Enough of the plunder of ancestral lands and violations of our rights! Abolish NCIP!” DANNY QUERUBIN

The post Mga katutubo nanawagan ng pananagutan sa NCIP first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/mga-katutubo-nanawagan-ng-pananagutan-sa-ncip/feed/ 0
Negosyante tinodas sa Malabon https://remate.ph/negosyante-tinodas-sa-malabon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=negosyante-tinodas-sa-malabon https://remate.ph/negosyante-tinodas-sa-malabon/#respond Tue, 20 Oct 2026 11:32:34 +0000 https://remate.ph/?p=760581 MANILA, Philippines – Patay ang isang negosyante matapos barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek sa harap ng kanyang motor shop na kanya ring tirahan sa Malabon City, Lunes ng gabi. Kaagad nalagutan ng hiningan sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si alyas “Mark Anthony”, 32, residente ng Blk 8H, […]

The post Negosyante tinodas sa Malabon first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Patay ang isang negosyante matapos barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek sa harap ng kanyang motor shop na kanya ring tirahan sa Malabon City, Lunes ng gabi.

Kaagad nalagutan ng hiningan sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si alyas “Mark Anthony”, 32, residente ng Blk 8H, Lot 7, Teachers Village, Brgy., Longos.

Batay sa ulat ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, dakong alas-11:05 ng gabi nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon nina P/MSg Michael Oben at P/SSg. Bengie Nalogoc, lumabas ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang delivery rider na may dala sa kanyang biniling produkto.

Habang tinatanggap nito ang pakete, biglang dumating ang dalawang magka-angkas sa motorsiklo at nang bumaba ang isa, bumunot agad ng baril at malapitang pinaputukan ng dalawang beses sa ulo ang biktima sa harap mismo ng nahintakutang delivery rider.

Isang testigo naman ang nakakita sa gunman na sumakay sa motorsiklong minamaneho ng kanyang kasabuwat bago tumakas ang mga ito patungong Langaray St., sa Caloocan City.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril sa biktima habang nagsasagawa na rin ng forward at backtracking sa kuha ng mga CCTV sa lugar na maaring makakatulong upang makilala at madakip ang mga salarin. Rene Manahan

The post Negosyante tinodas sa Malabon first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/negosyante-tinodas-sa-malabon/feed/ 0
E-trike driver, binaril sa mukha ng riding-in-tandem, patay https://remate.ph/e-trike-driver-binaril-sa-mukha-ng-riding-in-tandem-patay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=e-trike-driver-binaril-sa-mukha-ng-riding-in-tandem-patay https://remate.ph/e-trike-driver-binaril-sa-mukha-ng-riding-in-tandem-patay/#respond Tue, 20 Oct 2026 11:21:27 +0000 https://remate.ph/?p=760580 MANILA, Philippines – Patay ang isang e-trike driver matapos barilin sa mukha ng hindi pa kilalang riding-in tendem sa Malabon City, napaulat kahapon. Agad binawian ng buhay sanhi ng isang tama ng bala sa mukha ang biktimang si Christian Lorenzo, 34, residente ng Sitio 6, Brgy. Catmon. Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Kenneth […]

The post E-trike driver, binaril sa mukha ng riding-in-tandem, patay first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Patay ang isang e-trike driver matapos barilin sa mukha ng hindi pa kilalang riding-in tendem sa Malabon City, napaulat kahapon.

Agad binawian ng buhay sanhi ng isang tama ng bala sa mukha ang biktimang si Christian Lorenzo, 34, residente ng Sitio 6, Brgy. Catmon.

Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa kanto ng M.H. Del Pilar St. at Basilio St. Brgy. Tugatog.

Lumabas sa imbestigasyon na habang namamasada ang biktima para umano sa pambili ng gatas ng bagong panganak niyang live-in partner nang barilin sa mukha ng mga suspek bago mabilis na tumakas patungo sa Brgy. Acacia.

Sa ginawa namang beripikasyon ng mga imbestigador, napagalaman na nakulong na ang biktima dahil sa paglabag sa pag-iingat ng pampasabog noong Pebrero 19, 2024.

Inaalam pa ang pulisya sa motibo ng pagpaslang, habang ayon sa ginawang pahayag ng ina ng biktima na si Aling Marife, wala silang alam na kaaway ang anak na nagsisikap aniyang buhayin ang pamilya sa pamamasada.

Patuloy ang isinagawang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan sa mga suspek at sa agarang pagdakip sa mga ito. (Merly Duero)

The post E-trike driver, binaril sa mukha ng riding-in-tandem, patay first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/e-trike-driver-binaril-sa-mukha-ng-riding-in-tandem-patay/feed/ 0
Safety officer dedo nang saksakin ng 15 beses ng kanyang kinakasama https://remate.ph/safety-officer-dedo-nang-saksakin-ng-15-beses-ng-kanyang-kinakasama/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=safety-officer-dedo-nang-saksakin-ng-15-beses-ng-kanyang-kinakasama https://remate.ph/safety-officer-dedo-nang-saksakin-ng-15-beses-ng-kanyang-kinakasama/#respond Tue, 20 Oct 2026 11:10:19 +0000 https://remate.ph/?p=760579 LAGUNA, Philippines – Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Cabuyao City Hospital ang isang 30-anyos na safety officer matapos umanong saksakin nang 15 beses ng kanyang live-in partner madaling-araw kahapon sa Barangay Pulo, Cabuyao City, Laguna. Kinilala ang biktima sa alyas na Joselito, na nagtamo ng 13 saksak sa dibdib at dalawa sa leeg. Naaresto […]

The post Safety officer dedo nang saksakin ng 15 beses ng kanyang kinakasama first appeared on Remate Online.

]]>
LAGUNA, Philippines – Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Cabuyao City Hospital ang isang 30-anyos na safety officer matapos umanong saksakin nang 15 beses ng kanyang live-in partner madaling-araw kahapon sa Barangay Pulo, Cabuyao City, Laguna.

Kinilala ang biktima sa alyas na Joselito, na nagtamo ng 13 saksak sa dibdib at dalawa sa leeg. Naaresto naman ang suspek na si alyas Catherine, 35, isang HR encoder na tubong Lucena City at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lugar. Nasa kustodiya na siya ng Cabuyao City Police Station.

Batay sa paunang imbestigasyon, dakong alas-12:30 ng madaling-araw habang mahimbing na natutulog ang biktima nang bigla umano siyang pagsasaksakin ng kanyang kinakasama.

Ayon sa testigong si Jefred, narinig niya ang biktima na sumigaw ng, “Pagod ako, natutulog na ako sinaksak mo pa ako.” Ayon sa salaysay, nagtatalo umano ang mag-live-in partner sa ikalawang palapag ng bahay bago may marinig na humihingi ng tulong. Nang umakyat si Jefred, nadatnan niya ang biktimang nakahandusay at duguan.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima, ngunit binawian din siya ng buhay habang ginagamot. ELLEN APOSTOL

The post Safety officer dedo nang saksakin ng 15 beses ng kanyang kinakasama first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/safety-officer-dedo-nang-saksakin-ng-15-beses-ng-kanyang-kinakasama/feed/ 0
1 sa 2 suspek sa pagpatay sa Barangay chairman sa Batangas, arestado na https://remate.ph/1-sa-2-suspek-sa-pagpatay-sa-barangay-chairman-sa-batangas-arestado-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1-sa-2-suspek-sa-pagpatay-sa-barangay-chairman-sa-batangas-arestado-na https://remate.ph/1-sa-2-suspek-sa-pagpatay-sa-barangay-chairman-sa-batangas-arestado-na/#respond Tue, 20 Oct 2026 10:49:56 +0000 https://remate.ph/?p=760617 BATANGAS, Philippines – Naaresto na ang isa sa dalawang suspek sa pagpatay kay Barangay Chairman Dennis Austria ng Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas. Batay sa paunang impormasyon, ang naarestong suspek umano ang nagmaneho ng motorsiklong ginamit ng mga salarin sa pagtakas matapos ang krimen. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at […]

The post 1 sa 2 suspek sa pagpatay sa Barangay chairman sa Batangas, arestado na first appeared on Remate Online.

]]>
BATANGAS, Philippines – Naaresto na ang isa sa dalawang suspek sa pagpatay kay Barangay Chairman Dennis Austria ng Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas.

Batay sa paunang impormasyon, ang naarestong suspek umano ang nagmaneho ng motorsiklong ginamit ng mga salarin sa pagtakas matapos ang krimen.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at mahuli ang ikalawang suspek. RNT/MDS

The post 1 sa 2 suspek sa pagpatay sa Barangay chairman sa Batangas, arestado na first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/1-sa-2-suspek-sa-pagpatay-sa-barangay-chairman-sa-batangas-arestado-na/feed/ 0
Higit 120,000 balota para sa Naga City plebisito, naimprenta na https://remate.ph/higit-120000-balota-para-sa-naga-city-plebisito-naimprenta-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=higit-120000-balota-para-sa-naga-city-plebisito-naimprenta-na https://remate.ph/higit-120000-balota-para-sa-naga-city-plebisito-naimprenta-na/#respond Tue, 20 Oct 2026 10:48:58 +0000 https://remate.ph/?p=760616 MANILA, Philippines – Nakumpleto na ng National Printing Office (NPO) ang pag-imprenta ng 120,720 official ballots para sa plebisito sa Naga City, Camarines Sur, nitong Martes ng alas-11 ng umaga, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Ayon sa Comelec, papalitan ang configuration at settings ng mga printer at magsasagawa ng panibagong pagsusuri matapos ang pag-imprenta […]

The post Higit 120,000 balota para sa Naga City plebisito, naimprenta na first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nakumpleto na ng National Printing Office (NPO) ang pag-imprenta ng 120,720 official ballots para sa plebisito sa Naga City, Camarines Sur, nitong Martes ng alas-11 ng umaga, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa Comelec, papalitan ang configuration at settings ng mga printer at magsasagawa ng panibagong pagsusuri matapos ang pag-imprenta ng mga balota para sa Naga City plebiscite.

Samantala, sa Miyerkules sisimulan ang pag-imprenta ng 13,138 official ballots para sa special election sa Batanes. Isasagawa ito matapos makumpleto ang mga proseso para sa produksyon ng mga balota para sa plebisito sa Naga City. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Higit 120,000 balota para sa Naga City plebisito, naimprenta na first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/higit-120000-balota-para-sa-naga-city-plebisito-naimprenta-na/feed/ 0