Home ENTERTAINMENT Catriona, nagpahayag ng red flags sa kaibigan!

Catriona, nagpahayag ng red flags sa kaibigan!

Manila, Philippines- Marami ang nae-engganyong manood at makinig ng podcast ng magkaibigang sina Catriona Gray at Nicole Cordovez.

Very timely at interesting ang topic na tinalakay nila kamakailan tungkol sa pakikipagkaibigan.

Base sa kanilang karanasan, nag-cite rin sila ng red flags sa mga kaibigan sa episode na “Building and Burning Bridges…The Friendships We Chose to Keep.”

Ayon kina Catriona at Nicole, nagkaroon na raw sila ng mga karanasan sa mga kaibigang ‘backbiters’ o mga ‘traydor’ na maganda ang pakita sa kanila nang harapan pero iba’t-iba namang paninira ang sinasabi sa kanila kapag nakatalikod na sila.

Anyway, ang mga ganitong tao raw ay iyong mga hindi mo panghihinayangang mawala.

May klase rin daw naman ng kaibigan na noong nagkaroon sila ng isyu ay hinusgahan na agad sila, hindi kinuha ang kanilang mga panig at iniwan na lang sila.

Hirit pa ni Cat, hindi raw siya iyong tipong nagki-keep ng maraming kaibigan.

Ang iniingatan daw niya ay iyong mga taong kilala na niya noon pa at iyong nasubok na niya ang loyalty through the years.

Hindi rin daw kasi siya iyong tipo ng taong madaling mag-open up ng kanyang mga problema o pinagdadaanan sa buhay not unless na-earn na niya ang ‘trust’ ng isang tao.

Ayon pa sa 2018 Ms. Universe, guilty daw siya sa aspeto na minsan ay napakabagal niyang tumugon sa kanyang mga kaibigan.

Halimbawa raw dito ay kapag may naglambing sa kanyang kaibigan pero delayed ang kanyang reaction dahil minsan ay hindi niya makarir na sumagot agad dahil sa kaabalahan.

Pagbabahagi nila, meron din daw mga kaibigan na sa simula ay maganda ang trato sa iyo pero pag na-sense nila na may kakumpetisyon na sila ay magdi-distansiya na.

Ayon naman sa beauty queen, masaya siya sa anumang tinatamasang tagumpay ng sinuman sa kanyang mga kaibigan.

Isa raw sa paniniwala niyang katangian ng isang tunay na kaibigan ay ‘yung hahayaan ka niyang mag-grow at hindi iyong pagiging insecure o makasarili.

Red flags din daw sa friendship ang mga taong toxic, possessive, jealous at iyong interesado lang na pag-usapan ang sarili.

Kasama rin daw dito ang ‘good vibes’ friends na maaasahan lamang kapag may kailangan pati na iyong mga taong hindi kayang manindigan para sa kanilang mga kaibigan. Archie Liao