Patuloy na kumikinang si sabong sensation Ka Rex Cayanong dahil muli itong nagkampeon nang masolo nito ang korona sa Big Event Early Bird Edition, 6-Stag Derby na binitawan sa ruweda ng New Antipolo Coliseum sa Antipolo City noong Agosto 20.
Iwinagayway ang entry name na KA REX 1.5M No Pot 6-STAG NOV 5 Pasay/ Sky Walker, umiskor si Cayanong ng perfect six points upang ibulsa ang P500,000 premyo.
Pinaharap ni Cayanong ang mga malulupit na bloodlines na Bostabo, Pumpkin Sweater at Grey para pagulungin ang mga tigasin nakalaban na CP Horse power ni Engr Cueto (1st fight) at SMC ni Tady Palma (2nd fight).
Siniyapol din ng mga warriors ni Cayanong ang entries na RBS Sta. Clara, Ryan Design, 3M 718 Pateros at GALLOTECH na pag-aari ni Von Cruz, ang ginamit ni Ka Rex sa kanyang last fight ay Grey.
Nakasama ni Cayanong sa paghahanda ng manok sina Anteng Bullecer, Jharet Bullecer at Roel Bullecer habang si Juan Carlo “Taho” Bullecer ang gaffer.
Inukit ni Cayanong ang pangatlong kampeonato ngayong taon, una ang 3-Cock sa Angono cockpit, sunod ang 4-Cock sa San Roque Marikina Cockpit.
Nakadagdag kinang sa sabungan ang pagiging kasador ni comedian actor Long Mejia at sa kasagsagan ng sultada ay dumating ang sikat na breeder at former World Slasher Cup champion Biboy Enriquez ng Fire Bird GameFarm.Nasa venue din ang mga kilalang sabungero na sina Mandy Garcia at Don King na may pa derby na Big Event, 7-Stag Derby sa San Pedro Coliseum sa Setyembre 29.
Samantala, sa Nobyembre 5 ang susunod na palaban ni Cayanong na “Ka Rex B-Day 1.5M 6-Stag National Invitational Derby na gaganapin sa Pasay Cockpit Arena.ED