Home HOME BANNER STORY Cayetano, tumanggi sa panawagang magbitiw; ‘kung may 13 boto, it’s yours’

Cayetano, tumanggi sa panawagang magbitiw; ‘kung may 13 boto, it’s yours’

66
0

MANILA, Philippines – Tinanggihan ni Senate President Alan Peter Cayetano ang panawagan ng minority bloc na siya ay magbitiw, at iginiit na hindi na ito kailangan kung umabot na sa 13 boto ang kanyang pag-upo.

Sa isang Facebook live, sinabi ni Cayetano: “If there are 13 votes, it automatically means I don’t need to resign. It’s yours.”

Nauna siyang nailuklok bilang Senate President noong Mayo 11 kapalit ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III, sa pamamagitan ng suporta ng 13 senador.

Kabilang sa orihinal na 13 ang ilang senador, ngunit ayon sa ulat, nabawasan ang grupo matapos ang mga pagbabago sa komposisyon ng Senado, kabilang ang pagkakaaresto kay Sen. Jinggoy Estrada.

Dahil dito, halos pantay na ang bilang ng majority at minority blocs na may tig-11 miyembro, at nagdulot ito ng tensyon sa sesyon at pagliban ng ilang miyembro ng majority.

Sa kabila ng pagtanggi sa resignation call, sinabi rin ni Cayetano na bukas siya sa posibilidad na bumaba sa puwesto kung may bagong lider na pipiliin ng Senado, at binigyang-diin na ang pangunahing layunin niya ay maituloy ang mga pagdinig at “lumabas ang katotohanan.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here