MANILA, Philippines – Itinalaga si Sen. Sherwin Gatchalian bilang bagong acting Senate President at Senate President Pro-Tempore ng Senado nitong Miyerkules.
Ayon sa ulat, naupo si Gatchalian matapos makamit ng Senado ang quorum nang dumating si Sen. Francis Escudero sa plenary session.
Si Escudero ang tanging miyembro ng majority bloc na dumalo sa sesyon, na nagwakas sa dalawang araw na hindi pagdaraos ng plenary dahil sa patuloy na pagliban ng karamihan sa majority bloc.
Patuloy na inaayos ng Senado ang kanilang liderato at sesyon matapos ang ilang araw ng pagkaantala sa pagdinig. RNT/MND (larawan ni Cesar Morales)







