Home NATIONWIDE SEC Director, arestado sa pangongotong

SEC Director, arestado sa pangongotong

47
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation ang isang director ng Securities and Exchange Commission sa isang entrapment operation dahil sa umano’y pangongotong sa isang pribadong kumpanya.

Ayon sa pahayag ng Securities and Exchange Commission nitong Miyerkules, isinagawa ang operasyon ng NBI sa koordinasyon ng SEC.

Hindi muna pinangalanan ang opisyal at hindi rin inilabas ang iba pang detalye ng alegasyon dahil patuloy pa ang imbestigasyon.

Agad na isinailalim sa preventive suspension ang nasabing opisyal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Ayon sa SEC, magpapatuloy ang operasyon ng ahensya at hindi maaapektuhan ng insidente.

Sinabi rin ni SEC Chair Francis Lim na seryoso ang ahensya sa mga alegasyon ng misconduct at may “zero tolerance” sa anumang ilegal na gawain sa loob ng kanilang hanay.

Hinikayat din ng SEC ang publiko na iulat ang anumang iregularidad o hindi etikal na gawain ng kanilang mga tauhan sa pamamagitan ng opisyal na reporting channels. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here