MANILA, Philippines – Isang civil society group na Tindig Pilipinas ang naghain ng complaint-affidavit sa Office of the Ombudsman laban kina Senate President Alan Peter Cayetano, Sen. Robin Padilla, at suspended Senate Sergeant-at-Arms Ma. O. Aplasca.
Ayon sa grupo, ipinadala rin nila ang kopya ng reklamo sa International Criminal Court (International Criminal Court) “for information” lamang.
Sabi ni Tindig Pilipinas co-convenor Sylvia Claudio, “We have forwarded a copy of our complaint to the ICC itself,” habang sinabi rin ni Kiko Aquino-Dee, “We are doing it just for their information.”
Ayon sa reklamo, ang mga aksyon ng mga inirereklamo ay maaaring nakahadlang umano sa pagpapatupad ng batas at legal processes kaugnay ng pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Si Dela Rosa ay may arrest warrant mula sa ICC mula pa noong Nobyembre ng nakaraang taon, na isinapubliko lamang noong Mayo 13. Nagtago siya matapos nito ngunit muling lumitaw sa Senado noong Mayo 11 at naging mahalagang boto sa pagbabago ng liderato ng Senado.
Matapos ang umano’y tensyon noong Mayo 13 sa pagitan ng Senate security at National Bureau of Investigation (NBI), nakalabas si Dela Rosa sa Senado noong madaling araw ng Mayo 14, umano’y kasama si Sen. Robin Padilla sakay ng sasakyan nito.
Sinabi sa reklamo na ang mga pangyayari ay maaaring “obstructed, impeded, or frustrated the enforcement of legal process,” kaya naghain sila ng kasong Obstruction of Justice sa ilalim ng P.D. No. 1829. RNT/MND