MANILA, Philippines – Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga lider ng gobyerno na tumuon sa pamumuno at paglilingkod sa mga Pilipino sa gitna ng tumitinding tensyon sa pulitika sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at VP Sara Duterte.
Panawagan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, sa mga kagalang-galang na pinuno ng bansa na isantabi ang kanilang pagkakaiba at magtrabaho tungo sa iisang layunin ng kapakanan at kaunlarab para sa lahat ng Pilipino.
Sinabi ni Santos na handa siyang tulungan ang magkabilang kampo na ayusin ang kanilang mga pagkakaiba.
Nitong nagdaang araw, sinabi ni Duterte naay kinausap na itong papatay kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at House of Representatives Speaker Martin Romualdez kapag siya at pinatay.
Pinalagan naman ito ng Pangulo ay nagpahayag ng pagkabahala sa banta laban sa kanya.
Ang mga pahayag ni Duterte ay nagdulot ng malawakang pagkondena at nag-udyok sa mga ahensya ng pagpapatupad ng batas na mag-iimvestiga at kumilos upang matiyak ang kaligtasan ng Pangulo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)