Home OPINION CBCP ITINAAS ANG “INTEGRAL ECOLOGY MINISTRY” NG SIMBAHAN

CBCP ITINAAS ANG “INTEGRAL ECOLOGY MINISTRY” NG SIMBAHAN

157
0

Itinaas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pagiging “integral ecology ministry” mula sa pagiging Diocesan ecology desk. Ibig sabihin, prioridad na ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang kapaligiran at kalikasan.

Ito ang isa sa mga napagdesisyunan ng mga Obispo sa kata­tapos lamang na 128th plenary assembly na ginanap sa Cagayan de Oro city.

Matatandaan na noong Second Plenary Council of the Phi­lippines noong 1991 ay napagkasunduan ang paglalagay ng eco­logy desk sa mga Diocesan social action centers. Hudyat ito ng pagbibigay atensyon ng Simbahan sa mga isyung pangkalikasan at kapaligiran bilang bahagi ng social action efforts nito hanggang sa mga parokya.

Para kay Bishop Pablo Virgilio David ng Diocese of Kalookan at siyang kasalukuyang pangulo ng CBCP, ang aksyon ng mga Obispo ay alinsunod sa mga pahayag at pagkilos ni Pope Francis.

Noong 2015, naglabas ng isang mahalagang encyclical na tinawag na “Laudato Si” o “Care for Creation”.

Mula noon, ang buong buwan ng September ay iniaalay ng Simbahang Katolika sa pagpapahalaga sa lupa, tubig, kagubatan, mga buhay-ilang at himpapawirin na kaloob ng Diyos.

Nakikita ng CBCP ang pangangailangan na mas palawakin at palalimin ang pagkakaloob ng serbisyo kaugnay sa integral ecology.

Naniniwala rin ang Simbahan na ang usapin ng katarungan, kapayapaan, karapatang pang-tao, at dignidad ng tao ay mga aspektong bahagi ng integral ecology.

Sinabi rin ni Bishop David na malapit ng maglabas ng isang pastoral statement ang CBCP kaugnay sa plastic pollution na isang malaking problemang kinakaharap ng bansa. Makatutulong umano ang magiging posisyon ng Simbahan sa ecological waste management efforts ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

Mula 1990’s hanggang sa kasalukuyan ay nakararanas ang Pilipinas ng malalaking kalamidad na mas pinalalala pa ng climate change at global warming na ang pawang nagiging biktima ay mula sa mga mahihirap at bulnerableng mga sektor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here