Home NATIONWIDE CCC chief panauhing pandangal sa Argus Asia Carbon Conference

CCC chief panauhing pandangal sa Argus Asia Carbon Conference

Manila, Philippines- TAMPOK bilang panauhing pandangal si Climate Change Commission Commissioner Albert P. Dela Cruz, Sr. sa katatapos na Argus Asia Carbon Conference sa Kuala Lumpur, Malaysia kamakailan.

Sa kanyang talumpati, itinampok ni Dela Cruz ang mga hakbangin ng Pilipinas para paunlarin ang carbon market potential ng bansa at palawakin ang global footprint nito.

Sa naturang Argus Asia Carbon Conference, nagsama-sama ang mga panel of expert, environmental advocates at key stakeholders mula sa rehiyon.

Sa pangangasiwa ng Argus Media na kilala sa mga hakbangin nito sa energy at commodity markets, nagkaroon ng makabuluhang diskusyon, estratehiyang kolaborasyon at aksyunableng pananaw at pamamaraan para mapagtagumpayan ang ‘sustainability at climate action.’

Binigyang-diin ni Commissioner Dela Cruz na kinakailangang mabawasan ang “emissions” ng carbon sa gitna ng tumataas na problema sa climate change.

Binanggit din nito ang kahinaan ng bansa sa mga natural na kaganapan at sakuna at impact ng climate change kaya’t nanguna ito sa may 193 bansa na lapitin ng mga sakuna.

Bunsod nito, ibinida ni Dela Cruz ang projection para sa Carbon Market Growth sa bansa sa pamamagitan ng 2021 report ng Ecosytem Marketplace na nagsasaad ng malawakang demand sa voluntary carbon market, na hindi malayong mangyari dahil maraming kompanya ang nag-commit para sa “net zero goals.”

Bilang pagtatapos, pinasalamatan ni Commissioner Dela Cruz ang lahat ng speakers at participants, sa kanilang mahalagang papel para sa networking at kolaborasyon na napatunayang epektibo sa tagumpay ng “Conference of Parties from 1 to 28 in advancing Article 6” na nakatuon sa “Carbon Trading for technology and financial mechanisms.” RNT