Home METRO CDO, ginambala ng 8 landslide

CDO, ginambala ng 8 landslide

264
0

CAGAYAN DE ORO CITY — Nagdulot ng walong pagguho ng lupa at mga paglikas ang tuluy-tuloy na ulan sa Cagayan de Oro nitong weekend, ayon sa ulat ng City Disaster Risk Reduction Management Department (CDRRMD) nitong Lunes.

Lahat ng landslide ay naitala sa Barangay Dansolihon, habang lumikas naman ang mga residente sa Iponan at Canitoan matapos tumaas ang tubig sa Iponan River. Ayon kay Barangay Canitoan Chairperson Lancelot Padla, tinulungan nila ang 108 pamilyang naapektuhan. Sa karatig na Barangay Pagatpat, bahagyang nasira ang dike sa tabi ng ilog.

Iniulat ng Department of Public Works and Highways–Northern Mindanao (DPWH-10) na nagpapatuloy ang clearing operations, lalo na sa Uguiaban Bypass na pangunahing daan patungong Bukidnon.

“The landslide covered the road with a length of 50 meters, and the height was two to three meters,” ayon kay DPWH-10 1st District Engineer Ana Lee Manzano.

Tinatayang may hanggang 60 porsiyentong posibilidad ng pag-ulan sa lungsod hanggang Oktubre 31. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here