Home HOME BANNER STORY Pinoys sa Jamaica pinaghahanda sa Category 5 Hurricane Melissa

Pinoys sa Jamaica pinaghahanda sa Category 5 Hurricane Melissa

284
0

NEW YORK — Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Washington, D.C. ang mga Pilipino sa Jamaica na maging handa sa paparating na Category 5 Hurricane Melissa, na itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong taon.

Binanggit ng embahada na pangunahing prayoridad ang kaligtasan ng mga Pilipino sa apektadong lugar, at hinihikayat ang mga residente na itago ang mahahalagang dokumento at manatiling updated sa pamamagitan ng opisyal na balita at abiso ng pamahalaan. “We are actively monitoring the situation and coordinating with the Philippine Honorary Consulate in Jamaica and Filipino community leaders in the region,” ani ng embahada.

Ayon sa National Hurricane Center, inaasahang magdudulot ng malawakang flash floods, landslides, malalakas na hangin, at storm surge ang bagyo sa Jamaica, lalo na sa katimugang baybayin. Katulad na panganib din ang inaasahan sa Haiti, Dominican Republic, silangang Cuba, at ilang bahagi ng Bahamas at Turks and Caicos.

May humigit-kumulang 300 Pilipino sa Jamaica. Ayon kay Mimi Ignacio, residente sa Kingston, “It’s calm at the moment, but we’re getting ready. We expect to lose power and communication once the hurricane hits.”

Nagbigay ang embahada ng hotlines para sa emergency o consular assistance: +1 (202) 368-2767 at +1 (202) 769-8049. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here