Home METRO Cease-and-desist order sa Monterrazas, inalis ng Cebu City Council

Cease-and-desist order sa Monterrazas, inalis ng Cebu City Council

113
0

CEBU, Philippines – Inaprubahan ng Cebu City Council noong Miyerkules ang resolusyon na nag-aalis sa cease-and-desist order laban sa upscale land development sa Barangay Guadalupe na unang iniuugnay sa matinding pagbaha noong pananalasa ng Bagyong Tino noong Nobyembre 2025.

Ayon sa resolusyon, ang Monterrazas de Cebu Project ay hindi direktang sanhi ng malawakang pagbaha sa lugar.

Nakasaad din na ang mga pagbaha sa barangay ay “resulta ng iba’t ibang salik, kabilang ang kakulangan sa drainage system, daloy ng mga tributary, at iba pang kondisyon sa lugar,” at “hindi maaaring isisi sa iisang development lamang.”

Bumuo ang konseho ng desisyon batay sa joint ocular inspection ng Natural Resources Office at Office of the Building Official noong Enero 12, 2026.

Natuklasan sa ulat na ang earth-moving activities sa site ay ginawa upang pamahalaan ang surface runoff at pinayagan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Binanggit din ng Environmental Management Bureau na ang proyekto ay may 62,468 cubic meters na kapasidad at 22 detention ponds na nakatutulong sa pagkontrol ng tubig-ulan upang maiwasan ang pagbaha.

Ayon sa konseho, ang pagbaha sa mga apektadong lugar ay dulot din ng kakulangan sa municipal drainage system, kabilang ang lumang tubo at hindi tamang pagtatapon ng basura.

Gayunman, inatasan pa rin ang proyekto na sumunod sa lahat ng city ordinances at magsumite ng hydrological studies, habang patuloy na makikipag-ugnayan ang city government at developer para sa mas maayos na flood mitigation sa lugar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here