Home HOME BANNER STORY Ceasefire sa Iran pinalawig ni Trump

Ceasefire sa Iran pinalawig ni Trump

91
0

UNITED STATES – Pinalawig ni US President Donald Trump ang ceasefire sa Iran nitong Martes, Abril 21 o ilang oras bago ito mapaso para patuloy na makapagsagawa ng peace talks ang dalawang bansa.

Sa pahayag, sinabi ni Trump na pumayag siya sa hiling ng Pakistan, na nangasiwa sa peace talks, “to hold our Attack on the Country of Iran until such time as their leaders and representatives can come up with a unified proposal.”

Ayon kay Trump, nagdesisyon siyang palawigin ang ceasefire dahil “the Government of Iran is seriously fractured, not unexpectedly so,” na tumutukoy sa mga pagpatay ng US at Israel sa ilang lider ng bansa, kabilang si late Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei, na pinalitan naman ng kanyang anak.

Libo-libong indibidwal ang nasawi mula nang magsimula ang giyera sa iba’t ibang bansa sa Middle East, at nagdulot din ng matinding epekto matapos isara ang Strait of Hormuz.

Sinabi ni Trump na patuloy na haharangan ng US Navy ang mga pantalan at baybayin ng Iran, na tinawag naman ng mga lider ng Iran bilang act of war. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here