Home METRO Cebu City nakapagtala ng 4 sunog sa loob ng isang araw

Cebu City nakapagtala ng 4 sunog sa loob ng isang araw

MANILA, Philippines – Nakapagtala na agad ng apat na insidente ng sunog sa Cebu City sa loob lamang ng isang araw sa ikatlong araw pa lamang ng Fire Prevention Month.

Ang apat na sunog ay nangyari lamang sa nakalipas na 24 na oras.

Naitala ang unang insidente ng sunog sa Sitio Badjaowan, Brgy. Mambaling bandang 2:30 ng madaling araw ng Linggo, Marso 2.

Dahil dito ay natupok ng sunog ang nasa 167 tirahan at nawalan ng tirahan ang 184 pamilya o 822 indibidwal. Naitala ang P1.5 milyong halaga ng pinsala sa sunog.

Labindalawang oras matapos ang insidente ay sumiklab naman ang panibagong sunog sa isang bunkhouse sa harap ng casino at hotel sa South Road Properties (SRP) sa kaparehong barangay.

Natupok sa 30 minutong suno ang nasa P2.8 milyong halaga ng ari-arian.

Sa kaparehong araw ay naitala ang ikatlong insidente ng sunog na isang grass fire na sumiklab sa Barangay Guadalupe.

Samantala, ang ikaapat at huling suno sa Cebu City ay nangyari 6:53 ng gabi sa Brgy. Basak San Nicolas. RNT/JGC