
MANILA, Philippines- Nanguna ang graduate mula sa Cebu Doctors’ University (CDU) sa February 2025 Respiratory Therapists Licensure Examination, ayon sa Professional Regulaiton Commission (PRC).
Nakakuha si Erma Mae Yongco Sanchez ng percentage rating na 94%, pinakamataas sa 853 therapists na matagumpay na nakapasa sa pagsusulit.
Sinundan siya ng isa pang CDU graduate – Alyssa Jules Mendez Batauza – kasama si Zach Cedrick Nicol Bumanglag, graduate ng Cagayan State University Andrews Campus. Kapwa sila nakakuha ng percentage rating na 93%.
Ang top performing schools, batay sa Commission Resolution No. 1814 series of 2024, ay may 50 o higit pang examinees na may hindi bababa sa 80% passing percentage ay kinabibilangan ng:
Cagayan State University Andrews Campus
San Pedro College – Davao City