Home ENTERTAINMENT Celebs, nag-react sa motorcycle accident ni Kuya Kim!

Celebs, nag-react sa motorcycle accident ni Kuya Kim!

Manila, Philippines – Muntikan nang mamaalam sa mundo si Kuya Kim Atienza nang maaksidente siya habang sakay ng motorsiklo, March 5 nang gabi sa Malate.

“I flew 8 feet over my handlebars hitting the pavement with a thud. I heard a loud crack and knew something was broken,” sey niya sa Instagram post.

Milagro raw na saktong may dumaang ambulansya na “fully staffed” at binigyan siya ng first aid.

Sila rin ang nagpatigil sa mga sasakyan para hindi mabundol ang TV host.

Off-duty ang mga taga-FEPAG EMS Phils. at saktong may team dinner silang pupuntahan. Agad na dinala si Kuya Kim ng mga ito sa Makati Medical Center at hindi siya iniwan hanggang nasigurado nilang okay siya.

Ang mga anak ng celebrity na sina Feli at Emman ang nagbantay sa kanya sa ospital.

As of this writing ay mahigit 15,000 na ang nag-react sa post ni Kuya Kim.

Ilan sa mga kapwa niyang celebrities na nagpaabot ng well wishes ay sina Marjorie Barretto, Shaira Diaz, Ogie Alcasid, Chariz Solomon, Joross Gamboa, Joey Mead King, Iya Villania, Bayani Agbayani, etc.

Nag-open din ng diskusyon sa animal lovers group ang insidenteng ito tungkol sa pagpataw ng penalty sa mga may-ari ng nakawalang hayop. Trixie Dauz