Home ENTERTAINMENT Celia, sinabing hindi magtatagumpay ang papalit kay Nora!

Celia, sinabing hindi magtatagumpay ang papalit kay Nora!

Manila, Philippines- Ang eulogy ni Celia Rodriguez para sa nakaburol na si Nora Aunor was not only the longest, it was also the fiercest.

Kilala ang beteranang aktres at Bicolana ring si Celia–Manay Celia in showbiz circles–as one who doesn’t mince words.

She speaks her mind kesehoda kung sino ang tamaan.

Public knowledge na bukod sa pagiging Superstar ng bansa ay National Artist din si Nora for Film and Broadcast Arts.

Ito ang pinaksa ni Celia in her eulogy: “Ang alam ko, ang mga susunod ay sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Lea Salonga… yung ibang umaasa, bumili na lang kayo ng trophy!”

Naninindigan si Celia na nag-iisa lang si Nora sa kanyang trono, at ang nagpipilit na palitan siya: “You will fail!”

Sa tagal nga ng kanilang pagkakaibigan, she and Nora would go to town as far as exchanging jokes was concerned.

Kaya sa kanyang eulogy, nagbitaw si Celia ng kanyang pabaon once she reached the heaven.

Aniya: “Sing with the angels. Make them listen to the voice that you alone possessed…pero huwag Annie Batungbakal o Bongga Ka,

‘Day ang kakantahin mo, ha? Baka magreklamo ang mga anghel!

“Ganoon kami magbiro ni Guy!” Ronnie Carrasco III