Home NATIONWIDE Senado nakiramay sa Filipino community sa Canada: ‘Nagluluksa kami’

Senado nakiramay sa Filipino community sa Canada: ‘Nagluluksa kami’

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pakikiramay ng Mataas na Kapulungan sa pagkamatay at pagkasugat ng ilang Filipino sa Vancouver, Canada matapos silang suruin ng isang “nagwawalang” sasakyan habang ipinagdidiwang ang Lapu-Lapu Day.

Kasama sa nakiramay sina Senador Risa Hontiveros at Grace Poe sa pagsasabing “taus-puso kaming nakikiramay sa pamilya ng biktima sa naturang trahedya.

Nitong Sabado, siyam na katao ang nakumpirmang namatay matapos sagasaan sila ng humaharurot ng sasaakyan na sumuyod sa mahabang pila ng nagdidiwang sa Vancouver sa Lapu-Lapu Day Festival, isang event na ipinagdidiwang ng Filipino community taun-taon sa Vancouver.

Bukod sa namatay, marami din ang nasugatan na kasalukuyang ginagamot sa ilang ospital.

Inaresto ng awtoridad ang 30-taong gulang na Vancouver man matapos ang insidente saka isinailalim sa masusing imbestigasyon.

“We extend our deepest condolences because a tragedy experienced by Filipinos anywhere is grieved by Filipinos everywhere,” ayon kay Escudero.

“When we are linked by blood, not even a vast ocean that separates us now deadens the pain, and that is why the homeland also weeps,” ayon pa kay Escudero.

Aniya, nagmistulang sandali ng desperasyon ang pagdiriwang ng kabayanihan at kalayaan ng ating lahi sa kanilang bagong bansa na kanilang minamahal at ipinagtatanggol.

“My thoughts and prayers are with the victims of this shocking and horrific incident, whose perpetrator and possible accomplices should be brought to justice and punished to the fullest extent of the law,” ayon kay Escudero.

Sinabi naman ni Hontiveros na lubhang nakapanlulumo ang pagkamatay ng ating kababayan sa insidente.

Kinondena din ni Hontiveros ang itinuturing nitong “act of senseless and cruel violence” sa ating kababayan na mapayapang ipinagdidiwang ang ating kultura at kalinangan.

“Given Malacañang’s earlier pronouncements, I hope that the Philippine Consulate General in Vancouver and other agencies will extend the necessary assistance to the victims’ families and ensure that genuine justice is served,” ayon kay Hontiveros.

“Sa ating mga kababayan sa Canada: Hindi kayo nag-iisa. Nandito kami para sa inyo. Kasama niyo kami sa pagdadalamhati, sa paghahanap ng hustisya, at sa pagbangon,” dagdag ni Hontiveros.

Matinding kinondena din ni Poe ang insidente na dapat imbestigahan kaagad at bigyan ng katarungan ang lahat ng biktima.

Nakiramay din si Poe sa biktima at kanilang pamilya habang humihingi din tayo ng katarungan para sa kanila.

“We call on the Philippine embassy to immediately attend to the needs of the victims, especially those needing urgent medical attention. Filipinos who live and thrive in foreign countries deserve care and protection being members of the communities that have become their homes, too,” giit ni Poe. Ernie Reyes