Home NATIONWIDE Centennial year para kay master weaver Magdalena Gamayo idineklara ng Malakanyang

Centennial year para kay master weaver Magdalena Gamayo idineklara ng Malakanyang

356
0

MANILA, Philippines – IPINALABAS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation 664 na nagdedeklara sa Agosto 13, 2024 hanggang Agosto 12, 2025 bilang Centennial Year of Manlilikha ng Bayan para kay Ilocano master weaver Magdalena Gamayo.

Sa ilalim ng Proclamation 664 na tinintahan ni Pangulong Marcos, araw ng Lunes, inaatasan ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na pangunahan, makipag-ugnayan at pangasiwaan ang paggunita sa centennial year declaration para kay Gamayo, ang pinakamatandang nabubuhay na Ilocano master weaver.

Inatasan din ang NCCA na tukuyin ang mga programa, aktibidad at proyekto para sa year-long celebration ng naturang centennial year.

Ipinag-utos naman sa lahat ng national government agencies at instrumentalities, kabilang na ang government-owned or -controlled corporations, state universities, at colleges, na sumusuporta at magbigay ng tulong sa NCCA.

Hinihikayat naman ang lahat ng local government units na suportahan ang pagdiriwang ng Centennial Year of Manlilikha ng Bayan.

Ang deklarasyon ay isinagawa dahil sa rekumendasyon ng NCCA, sa pamamagitan ng Gawad ng Manlilikha ng Bayan Executive Council, para i-promote ang ‘genuine appreciation’ sa mga Filipino ng ‘valuable and intangible cultural distinction’ ng national living treasure.

Sa ilalim ng Proclamation 474 na ipinalabas noong 2012, idineklara si Gamayo bilang national living treasure, bilang pagkilala sa mastery sa pag po-produce ng “intricate designs” at pag-imbento sa sarili nitong patterns ng Ilocano Abel, at kanyang passion para panatilihin na buhay ang traditional weaving industry.” Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here