Home NATIONWIDE SEC nagbabala vs grupo na ginagamit si PBBM sa solicit investments

SEC nagbabala vs grupo na ginagamit si PBBM sa solicit investments

NAGBABALA ang Securities and Exchange Commission (SEC)-Bicol sa publiko laban sa mga nakikipag-ugnayan sa Bagong Bansang Maharlika International Inc. (BBMII), isang grupo kung saan binawi ang corporate registration dahil sa ‘illegal solicitation of investments.’

Sinabi ni SEC-Bicol information officer Arlyn Joy Alarcon, pinanatili kasi ng BBMII ang operasyon nito sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, sa kabila ng ipinalabas na revocation order mula sa Enforcement and Investor Protection Department noong November 2023.

Ayon kay Alarcon, binawi ang corporate registration ng BBMII dahil sa pangongolekta ng membership fees mula sa mga residente ng iba’t ibang local communities, nangangako na magbibigay ng food security, free education, free hospitalization, cash assistance, at pangkabuhayan sa lahat ng mga Filipino na may edad na isa at pagtaas sa buong mundo.

Ginamit din nito ang imahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang bahagi ng marketing materials nito, lumikha ng ‘false impression’ na ang programa ay lehitimo at may pahintulot ng administrasyon.

Sinabi ng SEC-Bicol na malinaw na nilabag ng kompanya ang Section 44 of Republic Act No. 11232, o Revised Corporation Code (RCC), na nagsasad na “no corporation shall possess or exercise corporate powers other than those conferred by the RCC or its articles of incorporation.”

Napaulat na nang unang matanggap ng SEC ang mga reklamo laban sa BBMII sinasabing umiikot ito sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod. Dahil dito, kagyat na nagpalabas ng babala ang SEC noong August 2023 hinggil sa “too good to be true” na pangako ng kompanya.

Kaya nga sinabi ng SEC na ang BBMII’s registration ay ipinagkalooban lamang dahil sa juridical personality para mag-operate bilang isang korporasyon subalit hindi kasama ang mga aktibidad na mag-operate bilang isang private social welfare and development agency. Kris Jose