MANILA, Philippines – Tuluyan nang isinama ang Commission on Filipinos Overseas (CFO) Certificate sa eTravel system.
Dahil dito ay mas magiging madali na ang departure process ng mga Filipino na aalis para sa permanent migration o long-term residency.
Ang integration ay inilunsad nitong Biyernes, Pebrero 28, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na nagpapadali sa mga Filipino na lalahok sa ilang exchange programs.
Ang CFP Certificate ay isang mandatory document para sa mga Filipino na aalis para sa:
Permanent migration o long-term residency
Paglahok sa Au Pair program sa Europe
Paglahok sa Exchange Visitor Program (EVP) sa United States
Para makakuha ng CFO Certificate, dapat na magparehistro ang aplikante sa cfo.gov.ph at magpasa ng kaukulang requirements.
Sa pagsama ng CFO Certificate sa eTravel system, hindi na kailangang dumaan sa iba’t ibang channel ang mga biyahero para makakuha ng naturang dokumento.
Ang eTravel platform, ay accessible sa pamamagitan ng eGovPH app o etravel.gov.ph, na nagsisilbing one-stop travel declaration form. RNT/JGC