Home ENTERTAINMENT Chard at Barbie, nakatakda nang umamin!

Chard at Barbie, nakatakda nang umamin!

Manila, Philippines- Exclusively dating.

Ito ang paglalarawan ng realiable source ni Ogie Diaz sa namamagitan kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Sa tanong naman kung kailan aamin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon ay tiniyak din ng source kay Ogie na: “In due time!”

Napilitan tuloy ang source na ugatin ang problema ng mag-asawang Richard at Sarah Lahbati.

Matatandaan daw na noong isang taon ay problematic na ang kanilang marriage.

Gayunpaman, maayos daw ang kanilang co-parenting setup kina Zion at Kai.

Wala rin daw katotohanan ang ibinibintang kay Richard na nananakit ito ng asawa.

Sa katunayan, Richard’s past girlfriends Anne Curtis and Georgina Wilson can attest to that.

Sa kabila raw kasi ng kanilang paghihiwalay ay nananatili silang magkaibigan.

Wala ring record na sinaktan physically ni Richard ang mga ito, kaya lalong imposibleng pinagbuhatan ng kamay ng aktor si Sarah being the mother of his kids.

Nitong April, sighted at a Hongkong resto si Sarah na may kasamang foreigner.

Sarah, however, denied na manliligaw niya ‘yon bagama’t sinabi niyang walang masama roon as she’s single.

For that ay kinuyog naman si Sarah ng mga netizens dahil hindi pa naman daw annulled ang kasal nila ni Richard.

As for Richard and Barbie, una silang namataan sa isang gastropub sa Westgate sa Alabang.

Natsismis din silang magkasama sa Amanpulo.

Sinundan ito ng sighting sa kanila sa isang shopping district sa South Korea.

Nag-viral din ang mirror selfie ni Barbie sa isang gym kung saan ang lalaki raw sa kanyang likod na naka-headset at partly recognizable ay si Richard.

Ayon pa sa source ni Ogie, Barbie cries: “Foul!” sa mga paratang na siya ang third party sa hiwalayang Richard-Sarah. Ronnie Carrasco III