Matinding ikinalungkot ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang “nakapaglulumong” sitwasyon ngayon sa Davao City na nagkalat ang checkpoints at naka-suot ng facemask ang ilang pulis na nagbabantay sa lugar.
Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa na dapat panatilihin ang PNP ang “friendly ties” sa mamamayan ng Davao City dahil tila nagkakaroon ng intimidasyon sa lahat ng panig ng lungsod.
Isinagawa ito ni Dela Rosa, dating hepe ng pambansang pulisya, ang paalala nang sa isinasagawang imbestigasyon ng sa sinasabing paggamit ng “excessive force” sa paghahain ng arrest warrant laban kay Kingdom of Jesus Christ’s Pastor Apollo Quiboloy.
Nitong nakaraang weekends, sinabi ni Dela Rosa na umuwi siya sa kanyang tahanan sa Davao City at nagdesisyon na dumaan sa KOJC compound upang tignan ang sitwasyon sa lugar.
Wala naman siyang nakikitang problema sa ilang checkpoints na nakatayo sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod, pero ikinagulat nito na nakasuot ng face masks ang mga pulis na hindi bahagi ng uniporme ng PNP.
“Tinanong ko ‘yung mga patrolman, ‘Dong, is that facemask part of your uniform talaga? Wala namang COVID ngayon eh bakit kayong lahat naka face mask? Ano ba ‘yan? Intimidating factor ba ‘yang ginagawa niyo?” aniya.
Hindi sumagot ang patrolman sa kanyang pagtatanong.
Bilang dating hepe ng pulisya at residente ng Davao City, ikinalulungkot ni Dela Rosa na makita niya ang kanyang kababayan na nawawalan ng tiwala sa pulisya.
“Kasi ganito, sir, DILG, taga-Davao ako. Ramdam ko ‘yung sentimyento ng mga tao ng Davao. Right now, talagang ang kanilang pagtingin sa pulis ay nagbago. Matagal nilang minahal ang pulis, Davao City Police Office…Ilang taon yan hall of famer palaging best police station of the year…Ngayon parang biglang bumaliktad ang pagtingin ng mga tao,” ayon kay Dela Rosa sa pakikipag-usap kay Interior Secretary Benhur Abalos Jr.
Ipinunto din ni Dela Rosa na nakatuon ang arrest warrant kay Quiboloy at kasabwat nito.Pero, snahi ng nakarang operasyon ng PNP laban sa lider ng KOJC, inihihiwalay ng pulis ang kanilang sarili sa komunidad.
“Alam naman natin ‘yung ating policing concept na the police is the community, the community is the police. Dapat ang samahan natin d’yan ay maganda pero ngayon it pains me. I’m a Davao City police for my whole life…pero naramdaman ko talaga parang galit na ang mga tao sa kanilang local police,” aniya.
Nilinaw din ni Dela Rosa kay Abalos na kahit panawagan nya ito,hindi niya pinipigilana ng pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Quiboloy.
“Puwede bang mag-adjust tayo sa ating ginagawa sa Davao? I’m not trying to impede your operation against Pastor Quiboloy because that is perfectly legal [and] covered by warrant of arrest ‘yan, pero ‘yung pag-antagonize, ‘yung mga tao feeling harassed, every time na lang may makita nila checkpoint dito, checkpoint doon, na hindi man lang nila makita ‘yung nameplate naka-mask na ganon. Very intimidating, sir,” ayon kay Dela Rosa.
“I tell you, pulis ako, but at the same time I am a Davao local. Alam ko ‘yun pag nararamdaman ko kaya pwede ba tayo mag-adjust para maging friendly naman ‘yung pulis? It pains me to see that ‘yung matagal na naming na-establish na relationship ng community at ng police ay biglang nasira,” dagdag niya.
Nangako naman ni Abalos na makikipag-usap ito kay PNP Chief Rommel Marbil at atasan ang lahat ng police officers na tanggalin ang kanilang face masks at sumunod sa tamang protocols sa pagbabanta ng checkpoints.
Inihayag din ni Abalos na nakatakda siyang tumungo sa Davao City upang personal na makita ang sitwasyon sa lugar at panatilihin ang relasyon ng PNP at residente ng Davao City.
Ipinaalala din ni Dela Rosa kay Davao City police chief Col. Hansel Marantan na mandato ng PNP na mahalin ang kanilang komunidad.
“You must be friendly, Hansel. You must be friendly to the people kahit na hahanapin mo si Pastor Quiboloy, I tell you hindi kita haharangin. Wala kaming problema diyan. Do your job because it is your sworn duty, gawin mo. But it is also your sworn duty to love your community. Ipakita mo, mahalin mo ‘yung taga-Davao. ‘Wag mo kalabanin ‘yung mga tao don. You reach out,” aniya. Ernie Reyes