Home SPORTS Main draw ng US Open abot-kamay na ni Eala

Main draw ng US Open abot-kamay na ni Eala

MANILA, Philippines — Dalawang panalo na lang at papasok na si Alex Eala sa main draw ng US Open matapos ang mahusay na pagganap sa unang round ng qualifiers laban kay Maddison Inglis ng Australia, 6-3, 2-6, 6-1 ngayong Miyerkules ng madaling araw (Manila time ).

Sinamantala ng Pinay ang mahirap na performance ng 26-anyos na si Inglis, dahil nagtala ang huli ng 10 double faults sa 10 unforced errors.

Ang World No. 148 tennister na si Eala ay madaling nanalo sa unang set bago ang World No. 227 Australian ay bumalik sa ikalawang set matapos ang maraming error ng Asian Games bronze medalist.

Pero pagdating sa ikatlong set, iginiit ni Eala ang kanyang kagalingan.

Sa paghawak ni Eala sa 5-1 lead, ang dalawang tennisters ay napalaban sa isang mahabang rally.

Hindi naayos ni Inglis ang inbound ng  bola nang ibagsak niya ito sa court, kung saan ang Pinay ay napahiyaw nang makuha niya ang panalo.

Kailangang manalo ni Eala ng dalawa pang laban para bumagsak sa main draw ng US Open, na magiging una niyang Grand Slam sa seniors.

Ang 19-taong-gulang ay dati nang bumagsak sa main draw sa French Open at Wimbledon.

Kakaharapin ni Eala ang world no. 99 Nuria Parrizas-Diaz sa ikalawang round sa Huwebes ng umaga (oras ng Maynila).JC