Home NATIONWIDE Power tripping, bullying sa mga doktor tututukan ng senador

Power tripping, bullying sa mga doktor tututukan ng senador

MANILA, Philippines – Inatasan ang Department of Health (DOH) nitong Martes na magsumite sa Senate panel ng listahan ng mga ospital na nagtala ng mga insidente ng pambu-bully ng senior doctors sa kanilang mga nakababatang kasamahan matapos matuklasan ng mga mambabatas na may mga medical practitioner na binu-bully sa kanilang mga pinagtatrabahuan.

Itinaas ni Sen. Raffy Tulfo ang isyu, na binanggit na ang mga insidente ng pambu-bully sa ilang ospital ay nagdulot ng ilang mga doktor sa pananakit sa sarili.

Inatasan ng Senador ang DOH na magsumite ng listahan ng mga doctor na sangkot sa insidente ng bullying at ano ang ginawa ng ospital upang tugunan ang isyu.

Sinabi ng DOH na naglabas ito ng mga advisories at internal memo upang matiyak na ang mga ospital at iba pang pasilidad na medikal ay walang pananakot, at naglunsad ng hotline para sa mga medical workers na balisa.

Ngunit hindi nasisiyahan si Tulfo sa hakbang, na inilarawan ang pagsisikap bilang “hindi epektibo.”

Ayon sa Senador hindi ito epektibo dahil sa katunayang mayroon muling nagpakamatay.

Binalaan din ni Tulog ang mga health officials na huwag sisihin ang mga doctorna balisa dahil sa pambu-bully.

Sa halip, hinimok ng Senador ang DOH na regular na imonitir ang mga doctor na nakakaranas ng sulimtomas ng depression sa health facilities.

May 3 kaso ng bullying sa ospital na naitala sa pagitan ng Enero at Pebrero ngayong taon, ayon sa datos ng Philippine Medical Association. RNT