Home NATIONWIDE Cheloy Garafil inirekomenda ni PBBM bilang MECO board chairman

Cheloy Garafil inirekomenda ni PBBM bilang MECO board chairman

MANILA, Philippines – INIREKOMENDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Presidential Communications Office (PCO) secretary Cheloy Garafil bilang miyembro at chairman ng board of directors ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Ang anunsyo ng Pangulo ay ibinahagi ng PCO sa Facebook Page nito.

Nauna rito, kinumpirma ni PCO Secretary Cesar Chavez na itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. si Garafil bilang chairman ng Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan kapalit ni Silvestre Bello III.

Bago pa naging PCO secretary, nagsilbi muna si Garafil bilang officer-in-charge ng dating Office of the Press Secretary.

Matatandaang, Hunyo 2022, itinalaga ni Pangulong Marcos si Garafil bilang pinuno ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nagsilbi rin siya bilang service director ng Committee on Rules of the House of Representatives. Bukod dito, nagsilbi rin siya bilang taga-usig para sa Department of Justice (DOJ) at State Solicitor para sa Office of the Solicitor General (OSG). Kris Jose