Home HOME BANNER STORY Kaugnayan kay Duanren Wu, Cassie Ong itinanggi ni Sual Mayor Calugay

Kaugnayan kay Duanren Wu, Cassie Ong itinanggi ni Sual Mayor Calugay

115
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Calugay nitong Martes, Setyembre 17 ang kaugnayan nito kay Duanren Wu at Cassandra Li Ong, ang dalawang indibidwal na iniuugnay sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Si Ong ang authorized representative ng POGO firm na Lucky South 99 habang si Wu ang kanyang boss at ninong.

“Wala po,” sagot ni Calugay nang tanungin kung ano ang koneksyon nito sa dalawa, sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality kasama ang Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, chairman ng committee on women, mayroong litrato na nagpapakitang dumalo sina Wu at Ong sa Kasalan sa Bayan sa Sual.

Sinabi ni Calugay na maraming kasama si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo bagamat hindi niya kilala ang mga ito.

Nauna nang itinanggi ni Calugay na may romantic relationship siya kay Guo, maging ang business relationship.

Sinabi nito na magkaibigan lamang sila.

Ganito rin ang paninindigan ni Guo sa pagsasabing wala silang relasyon ni Calugay. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here