Home NATIONWIDE Ex-PNP chief posibleng tumulong sa pagtakas ni Guo – PAGCOR official

Ex-PNP chief posibleng tumulong sa pagtakas ni Guo – PAGCOR official

MANILA, Philippines – Posibleng tinulungan ng isang dating Philippine National Police (PNP) chief para makatakas ng bansa si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay ayon kay PAGCOR official Raul Villanueva, nang tanungin ni Senador Risa Hontiveros kasabay ng pagdinig ng Senado sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Tinanong ni Hontiveros si Villanueva sa posibilidad na may tumulong na mga opisyal ng pamahalaan para makalabas si Guo ng bansa kapalit ng malaking halaga ng pera.

“May pinag-uusapan na ‘yung sa border immigration, di ko lang alam yung exact amount, inlcuding PNP official pero hindi ko pa din confirmed yun,” ani Villanueva.

Tanong ni Hontiveros, “alin pong PNP units ang binabanggit sa usapan?”

“Hindi PNP po unit ma’am eh, but personalities… I think it was mentioned, a former Chief PNP,” ani Villanueva.

Nang tanungin kung sino ito, sagot ng opisyal:
“I don’t know ma’am.”

Posible rin aniya na sangkot ang ilang high-ranking immigration official, ayon sa intel report.

“May mga usap-usapan within inteligence community, pero wala pa pong confirmation kung may witnesses na meron talaga nabigyan. Pero ‘yun po ang usap-sapan. They’re still validating it,” sinabi pa. RNT/JGC